Catriona Gray speaks up about relevance of swimsuit competition in beauty pageants

IMAGE Miss Universe (Facebook)

Catriona Gray says swimsuit competition in beauty pageants is not just about looking good in a two-piece bikini: "We're proud of our bodies and we're proud of ourselves."


Kinontra ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang opinyong kailangan panatilihin ang swimsuit competition sa beauty pageants upang makuha ang atensiyon ng mga kalalakihan.

“I don’t think the swimsuit competition is there just for the attention of men though. I really feel it serves a higher purpose,” pahayag ng 25-anyos na Filipino-Australian beauty queen.

Bahagi ito ng sagot ni Catriona sa kanyang radio guesting sa WABC With Bernie and Sid nitong Huwebes, January 10 (U.S. time).

Ngayong linggo ay sinimulan na ni Catriona ang kanyang media tour (TV and radio guestings), bilang bahagi ng kanyang one-year reign bilang Miss Universe.

Inusisa ng radio hosts si Catriona tungkol sa desisyon ng Miss America Organization noong 2018 na tanggalin ang swimsuit competition sa national pageant ng U.S.

Ayon sa Miss America Organization, ang pagpili ng mga kandidata ay ibabase sa personality at hindi lang sa kanilang hitsura.

Sa radio program kung saan nag-guest si Catriona, sinabi ng isa sa mga host na kailangan ang swimsuit competition para manood ang mga lalaking audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkontra ni Catriona, ang swimsuit competition ay hindi lang tungkol sa physical appearance.

Nang lumaban daw siya sa Miss Universe, ang panel of judges noon ay puro mga babae.

“Our judging panel is all women this year, it’s a panel of complete women.

“And the criteria that we're based on and also what we stand for...

"We’re proud of our bodies and we’re proud of ourselves, how we walk out there and we are confident,” diin ni Cartriona.

Dagdag pa niya, ang swimsuit competition ay hindi lang pagpapakita ng katawan, kundi magandang ehemplo sa mga babaeng kabataan na maging kumportable sa kanilang katawan, anuman ang hugis nito.

“But I think it’s also refreshing for young people to see real bodies onstage.

"We’re not through-the-filter, we’re not retouched, we’re real bodies onstage, and I think that’s really comforting for, maybe, a young girl to look up and say, ‘Oh, look, I can see my body in that girl.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Catriona na maging siya ay kabado sa pagsusuot ng two-piece sa harap ng ibang tao sa swimsuit competition ng beauty pageants.

Pero naniniwala raw siya na ang pagwawagi ay hindi lang nakabase sa kategoryang ito.

"It's nothing natural, like, to feel you're going out in two-piece in front of so, so many people.

"But there’s a comforting fact that I don’t believe that on the criteria must have a so-and-so-inch waist, or must look a certain way, because there is no perfect figure, and Miss Universe organization has that stand." 

Nakaranas din ng pambabatikos noon si Catriona nang manalo sa Binibining Pilipinas dahil may mga kandidata raw na mas may magandang pigura kesa sa kanya.


Stories We Are Tracking

Catriona responds to netizen asking about her vital stats
Catriona responds to netizen asking about her vital stats
Mariel de Leon says Catriona Gray deserves Best in Swimsuit
Mariel de Leon says Catriona Gray deserves Best in Swimsuit

DEALING WITH HARSHNESS IN SOCIAL MEDIA

Inusisa rin si Catriona tungkol sa matinding kritisismo sa social media.

Pahayag niya, “I think being a Philippine representative is a great training ground because we’re so involved in pageantry already, and we’re one of the biggest social media countries in the world, number one Facebook user.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Catriona, natuto na siyang huwag maging sensitibo simula nang manalo siya sa national pageant sa Pilipinas.

Paliwanag niya, “I already had to grow thick skin even as a national representative.

“And you know what, at the end of the day, I just had to teach myself, why would I allow other people to define my worth and allow me to think differently about myself when they don’t know me?

“They don’t know the length of my journey. They’ve never met me.

"So why would I let what they have to say define me?”

Sumali si Catriona sa Miss World Philippines noong 2016 at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2016 pageant, kung saan nakapasok siya sa Top 5.

Kinoronahan naman siyang Miss Universe Philippines 2018 noong March 2018.

Kinoronahan siyang Miss Universe noong December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

Kasalukuyang nasa New York, USA si Catriona at inaasahang mananatili roon ng isang taon bilang bahagi ng kanyang duties bilang Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN