Heart Evangelista explains why Lovi Poe won't settle down yet

IMAGE @iamhearte Instagram

Heart Evangelista on best friend Lovi Poe: "She's really the woman of the world. She wants to see the world. It's really hard to tie her down. I think that really fulfills her as a person." 


Inamin ni Heart Evangelista, 33, na hindi niya maiimpluensiyahan ang best friend na si Lovi Poe, 29, pagdating sa usaping paglagay sa tahimik.

Si Heart ay mag-aapat na taon nang kasal sa mister niyang si Senator Francis "Chiz" Escudero. 

Ang huling napabalitang karelasyon ni Lovi ay si Chris Johnson, isang French.

Pero tila pahiwatig ni Heart sa bali-balitang single status ni Lovi,"She's really the woman of the world. She wants to see the world.

"It's really hard to tie her down. I think that really fulfills her as a person.

"She likes to be alone. She likes her time. She really likes to sit in a restaurant to watch people. She enjoys that."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa isang mini-presscon noong December 2018, sa 17th Floor ng GMA Network Center sa Quezon City. 

Dito ay nabanggit ni Heart na mismong si Senator Grace Poe ang nagsabing nakuha ni Lovi ang pag-uugaling ito mula sa Action King na si Fernando Poe Jr. 

Si Senator Grace ay adopted daughter ni Susan Roces at yumaong FPJ, habang si Lovi ay anak ng action star sa dating model-actress na si Rowena Moran. 

"Actually, Senator Grace told Lovi that she is very much like her dad in that way. Mahilig siya mag-isa.

"Mahilig sumakay ng kalesa para manood ng tao. Ganun si Lovi," kuwento ni Heart. 

Sa isang banda, ilang buwan nang mayroong espekulasyon sa diumano'y hiwalayan nina Lovi at Chris, dahil ayon sa netizens ay madalang nang mag-post ang mga ito ng couple photos sa kani-kanilang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

November 27, 2018 pa nang huling mag-post si Lovi ng group photo kung saan kasama niya si Chris sa isang pagtitipon. 

Kung anu't ano man, tikom ang bibig ni Heart hinggil sa estado ng love life ni Lovi sa kasalukuyan.

Ang tanging pahiwatig lang ni Heart ay hindi pa niya masabi kung sino ang lalaking makapagkukumbinsi kay Lovi na lumagay sa tahimik.

Aniya, "So it will take siguro... I don't know kung sino babagay sa kanya. Masaya na siya na ganun." 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN