Christian Bautista reveals adjustments in his life now that he's married

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista talks about the adjustments in his life now that he is a married man.


Sa lahat ng desisyon ngayon ni Christian Bautista, laging kasama ang asawang si Kat Ramnani.

Isa ito sa mga adjustments sa buhay ni Christian, 37, nang ikasal sila ni Kat, 30, noong November 2018.

“Every decision now, it has to be with my wife all the time, ‘cause that’s what marriage is all about,” paliwanag ni Christian sa press conference ng The Sweetheart and the Balladeer Fun Night Only concert series, na ginanap nitong January 10, Huwebes.

Kaya naman sa kahit anumang trabahong kukunin niya, tinatanong muna ang kanyang misis.

“It’s not just my decision, it’s not her decision; so, whatever roles or whatever projects, whether in showbiz or not, it’s my life and hers, talagang kami na yung nagde-decide.

“So, whatever comes in our life, talagang pinag-uusapan namin.

“And talagang it’s important na magkaroon kami ng mas stable bond as husband and wife.”

Sabi ni Christian, sumailalim siya sa guidance at mentoring para sa buhay may-asawa.

Isa sa mga itinuro ay ang pagsasaalang-alang ng kapakanan ng asawa at hindi puwedeng para sa sarili lang.

“It will be unfair to your wife, it will be unfair to your husband if you say, ‘Sorry ha, this is my life, so you have to accept.’ Hindi puwede. So, dapat partners kayo lagi.

“So, what is beneficial to her, will be beneficial to me; what will be beneficial to me, will be beneficial to her.

“I was guided, I was mentored what marriage is really about.”

Wala pang dalawang buwan mula nang ikasal sila, pero plano na ba nilang magka-baby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka two years pa. Kami muna,” sagot ni Christian.

This year ay nagpaplano ang mag-asawa na mag-honeymoon sa Africa.

ON COMPETITION

Sa patuloy na pagpasok ng mga bagong singers, inamin ni Christian niyang may kumpetisyon.

“Merong bad competition, merong bad rivalry. There’s good competition, there’s good rivalry.

“Mag-focus ako sa good competition and rivalry,” ani Christian.

“When I see these young guys singing their hearts out, natsa-challenge ako.

“Ako mas matagal dito, kailangan okay din ako, not to beat them, but to be as good or to also perform well.”

Aniya, “Ganon ko tinitingnan ang new singers, the other people that come in or even the other singers sa kabila [ABS-CBN], who are some of my friends, na parang, ‘Okay, so, I should also be better.'"

Dugtong niya, “Pero the most important competition is with myself. So, how can I beat myself? We go to the next level.”  

Pinagkakaabalahan ngayon ni Christian ang pagpo-promote ng The Sweetheart and the Balladeer Fun Night Only.

Makakasama niya sa concert sina Julie Anne San Jose, The Clash Grand Champion Golden Canedo at runner-up na si Josh Adornado, at ang mga komedyanteng sina Super Tekla at Donita Nose.

Ang unang leg ay mangyayari sa Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City, sa January 27, habang ang pangalawa ay sa The Atrium Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa February 10.

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN