Falcis brothers claim Kris Aquino funded boosts of Pinoy Ako Blog, other anti-DDS blogs

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal / Nicko Falcis on Facebook

Nicko Falcis to Kris Aquino: "Jover [Laurio] magically appeared in YOUR HOUSE when we were in a meeting. You told me you will give me cash [for Jover] so that there will be no paper trail...There is no way that 'baka may nabulsa sa pondo.' I never stole from you, and you know that! I have receipts of the boostings."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Napag-uusapan ngayon sa social media, lalo na sa Facebook, ang hashtag na #PABoost.

Nag-ugat ito sa pagsisiwalat ni Atty. Jesus "Jess" Falcis na pinondohan umano ni Kris Aquino ang boosting ng anti-Duterte bloggers.

Isa na raw rito ay ang Pinoy Ako Blog—o PAB ni Jover Laurio—na karamihan sa entries at posts ay namumuna sa mga programa ng gobyerno at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang boosting ay isang tool sa Facebook na nagbibigay sa isang account o page ng mas malawak na audience at mas nakakapagparating ng posts nito sa hinahabol na audience.

Binabayaran ang boosting.

Noong January 2, naglabas sa Facebook page niya si Atty. Jess ng post na may pamagat: “NICKO, PUWEDE PABOOST NAMAN NITO, PLEASE?”

Ikinuwento ni Atty. Jess kung paano siya nabigla na ang isang artista at endorser na katulad ni Kris ay involved pala sa “bigger political battle.”

Ayon daw kasi sa industry experts, inaasahan sa isang product endorser na maging—o magkmukhang—apolitical, yung hindi nakikitang involved politically dahil baka maapektuhan daw nito ang produktong iniendorso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Atty. Jess ay nakababatang kapatid ni Nicko Falcis, na nagsilbing finance manager ng 18 buwan ni Kris Aquino.

Narito ang buong post ni Atty. Jess (published as is):

“I have always been a constructive critic of President Duterte. Since he started campaigning in 2015, I supported his proposed policies like same-sex marriage and federalism but criticized his war on drugs, Marcos' hero burial, and pivot to China.

“I have always been anti-Duterte (but fair and reasonable). I was never a dilawan. Only my haters called me as such.

“I have never accepted offers from certain politicians or personalities to have 'partnerships' or collaborations. One such offer came as early as late 2016. They offered to boost or amplify me but I refused. I didn't want my independence and impartiality compromised—I wanted to retain the ability to criticize even my allies against Duterte.

“Even before my brother's professional services as a finance manager were engaged by Kris Aquino, I was anti-Duterte. I also viewed Noynoy Aquino's presidency as generally good (except for Mamasapano debacle and DAP). That is why I got a bit irritated when I was accused of being dilawan or anti-Duterte only because my brother was engaged by the sister of PNoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I knew little of what my brother was doing except the legal side of his businesses where he would consult me for legal matters. I have never met Kris Aquino and I would never want to meet her. Si PNoy na lang.

“So when his former client filed fake cases and libeled him, it was to my surprise that he was also involved in the PR side of a bigger political battle. I learned about the screenshot below after I had to quiz him and look at all his documents and messages to be able to advice him legally as to his rights and remedies.

“Ang una kong tanong kay Kuya when I saw the screenshot below to him was why boost her and not me? Sayang pera ni Kuya, ang generous naman nya.

“My brother denied it was his money and told me he thought I didn't want to get involved with politicians as I've told him I want to be independent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am releasing the screenshot below for the following reasons:

"1. Jover Laurio is a public figure and social media blogger who claims to be independent and impartial.

"2. She started posting blog articles totally unrelated to politics or politicians when she posted articles about Kris Aquino's post claiming someone stole from her. I confronted Jover about her blog article and told her it was about my brother. She didn't take down her blog article even if my brother was not a politician but a private figure.

"3. People have a right to know how a social media blogger like Jover Laurio was able to grow and reach many people. The COMELEC has stated it will require more transparency from social media political campaigns. One step is for the people to know which blogger is campaigning for whom.

"I will release more context and stories in the coming days.

"Happy New Year to everyone, Year of the Earth Pig!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#PABoostNaman
#PinoyAkoBoosted
#LiveByResiboDieByResibo

Kasalukuyang may sigalot sa korte at sa social media ang kampo ng magkapatid na Jess at Nicko at ang kampo ni Kris. 

Si Nicko ay sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod sa Metro Manila, samantalang si Atty. Jess ay sinampahan ni Kris ng 9 counts of cyberlibel sa Department of Justice (DOJ).

Buo ang pagtanggi ng Falcis brothers sa mga paratang ni Kris.

Nag-viral ang post ni Atty. Jess tungkol sa #PABoost issue.

Pinag-usapan ito nang husto ng magkalabang panig: ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte, na mas kilala bilang DDS (Duterte Diehard Supporters); at ang mga grupong sumusuporta sa Liberal Party.

JOVER REACTS TO NICKO’S REVELATIONS

Sinagot naman ni Jover ang mga rebelasyon ni Nicko, na naibahagi ng kapatid na si Atty. Jess sa Facebook.

Sa pamamagitan ng kanyang Pinoy Ako Blog, naglabas ito ng “Open Letter To Nicko Falcis,” noong January 2, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng kanyang sulat: “Dear Nicko Falcis,

"Even before 2019 naglabasan na ang mga screenshots ng mga usapan natin. Since hindi nanggaling sa akin, I assumed na galing sa yo. Bruce Rivera ang unang naglabas, then sumunod ang mga DDS bloggers. Hindi ko alam kung ano ang purpose mo by doing it, pero sana binuo mo ang kwento.

"Last January 2018, you approached me nagpakilala ka. Sabi mo you want to boost several of my blogs. You asked me to put you as an advertiser in my blog.

"Tinanggap ko ang offer mo kasi hindi ko naman afford magboost. At saka bakit hindi, eh kapatid ka ng isa sa mga tumutuligsa sa mga ginagawang kapalpakan ng admin na to.

"And besides wala namang masama sa pagboost kasi ang purpose noon is to reach wider audience. DDS camp is doing it. Kasi may pondo sila.

"Akala ko naman you mean well sa pagtulong sa akin. Akala ko naman naaawa ka sa akin kasi yung followers ko noon [wala] pang 100k at gusto mong maraming makabasa sa blogs ko, kaya tinulungan mo akong magboost.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I put you as an advertiser sa page because I trust you. Hindi ko alam na magagamit mo ang tulong mo sa ATTEMPT na pagsira sa akin. Minsan nga you are asking me pa to upload a video.

"I appreciate the fact na tumutulong ka sa pagpalaganap ng mga blogs ko. Kasi nga naman, ano ba naman ang laban ko sa 5 million followers ni Mocha, tapos nagboboost pa?"

Dagdag pa ni Jover: "You used to hate Mocha, TP and Alan Peter Cayetano. Tapos ngayon you are using them para sirain si PAB?

"Wrong move. Gusto mo akong palabasin na destabilizer when you were the one who helped me sa pag amplify ng message ko.

"Just to be clear ang perang binoboost ay napupunta sa Facebook and you are doing it directly.

"Huwag mo akong idamay sa gulo ng buhay mo. Umuwi ka dito at harapin mo ang kaso mo. Just the mere fact nakipagsabwatan ka na sa mga bloggers na you used to hate, ano na ang tingin ng tao sa iyo ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yamot Sa Sinungaling,

"PAB."

Mababasa sa link na ito ang buong open letter ni Jover.

Hindi sinagot ni Jover ang kinukuwestiyon ni Atty. Jess na pag-post ng isang anti-DDS blogger ng mga pro-Kris, anti-Nicko pieces.

Ito yung sinasabi ni Atty. Jess na nag-post si Jover ng walang kinalaman sa pulitika, noong pinost nito ang kuwento ni Kris na pinagnakawan siya ng isang pinagkakatiwalaan nito.

At nang kumprontahin ni Atty. Jess si Jover, "She didn't take down her blog article even if my brother was not a politician but a private figure."

KRIS ADMITS FUNDING POLITICAL BLOGGERS

Noong January 6, 2019, matapos ang live social media conference ni Kris kasama ang mga abugado niya, may isang netizen na nagtanong tungkol sa pagpopondo niya sa ilang bloggers.

Sinagot ito ng web star, ngunit itinanggi nitong pinapa-boost niya ang mga posts patungkol kina President Duterte, dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, at dating Senador Bongbong Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang buong sagot ni Kris (published as is):

“In case burahin: airport bound, @stevearaq the unvarnished truth: i gave nicko money to boost, with zero knowledge of my brother, when my brother went to Congress to protect him from all trolls.

“Why? Para makabawi…. Because i was negotiating several contracts and didn’t want to go w/ him to the Sandiganbayan. i lacked courage to stand with him.

“i knew ayaw niya yun (social media canpaigns, he is an idealist) so palihim kong ginawa. That's why my brother had never met Nicko.

“My instructions to Nicko were always clear—kaibigan ko si Bong Go, hindi ko kaaway ang mga Duterte, never attack the Duterte family especially Kitty, wala akong issue sa Marcos children, katuwang ko si bongbong sa kasal ni toni & paul, law firm ni liza marcos ang nag handle at nagpapanalo ng annulment ko.

“Now with all the issues-siempre ang hinala ko baka nabulsa din yung pondo. i have zero political aspirations so this is the 1st & last i shall address this. Tantanan na ko-i’m also impossible dreamer i dream of becoming an Oprah not a Trump.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NICKO CONFIRMS INFO ON BOOSTING

Noong January 9 ng umaga, sinegundahan ni Nicko sa kanyang Instagram ang tungkol sa boosting.

Si Kris daw mismo ang nag-utos sa kanyang bigyan ng pondo para sa boosting si Jover ng Pinoy Ako Blog.

Sa post niya, mariing pinabulaanan ni Nicko na siya ang lumapit kay Jover upang i-boost ang posts nito.

Dito rin diretsahang sinagot ni Nicko ang pahaging ni Kris na "siempre may hinala ako na nabulsa din ang pondo."

Balik ni Nicko, "There is no way that 'baka may nabulsa sa pondo. I never stole from you, and you know that! I have receipts of the boostings."

Ito ang kabuuang post ni Nicko (published as is):

“Your specific instructions were to identify anti-administration / anti-dds blogs and give them funds to protect your 'queendom' through fb boosts.

"In addition to the Kris Aquino FB Page, I boosted Jover Laurio’s Pinoy Ako Blog page as an advertiser because YOU introduced her to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Jover magically appeared in YOUR HOUSE when we were in a meeting. You told me you will give me cash so that there will be no paper trail.

"I used the cash you gave me properly, every peso and centavo.

"Remember, I'm an accountant, so there’s proper FB documentation.

"There is no way that 'baka may nabulsa sa pondo.' I never stole from you, and you know that! I have receipts of the boostings, but you never bothered to review them, including all the reports and updates.

"Please stop this bullying against my family and I. We refuse to be your victims."

View this post on Instagram

Your specific instructions were to identify anti-administration / anti-dds blogs and give them funds to protect your “queendom” through fb boosts. In addition to the Kris Aquino FB Page, I boosted Jover Laurio’s Pinoy Ako Blog page as an advertiser because YOU introduced her to me. Jover magically appeared in YOUR HOUSE when we were in a meeting. You told me you will give me cash so that there will be no paper trail. I used the cash you gave me properly, every peso and centavo. Remember, I'm an accountant, so there’s proper FB documentation. There is no way that "baka may nabulsa sa pondo." I never stole from you, and you know that! I have receipts of the boostings, but you never bothered to review them, including all the reports and updates. Please stop this bullying against my family and I. We refuse to be your victims.

A post shared by Nicko F (@nix722) on

ATTY. JESS SAYS KRIS FUNDED BOOSTING OF ANTI-DDS BLOGGERS

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Jess noon ding January 9, isiniwalat niya ang iba pa raw detalye ng boosting.

Isa na ang pagpopondo umano ni Kris sa boosting ng PAB post laban kay James Deakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Atty. Jess, “Si Kris ang nagpa-boost noon. Kasi na-mention si Kris dun sa vlog, and then parang na-compare kay Bongbong.

“So parang na-trigger si Kris, na parang, 'We have to respond and attack.’

“Hindi ko sinasabing words niya yun, ha. Again, based [ito] dun sa instructions niya kay Kuya na i-boost.

“Pati kay Bong Go, again, the instructions were just… Hindi naman minonitor ni Kris each and every boosting kasi...hindi siya micromanager sa negosyo.

“Or...sa mga resibo nga sa updates ni Kuya, sinabi lang niya kay Kuya, and Kuya did his job.

“Ang sabi kay Kuya, si Kuya nag-post nito, ha, ang instructions ni Kris is to fund anti-administration or anti-DDS bloggers.

“So ngayon, yun ang general instructions, 'tapos ito namang si Jover, magmi-message kay Kuya from time to time, 'Nicko, pa-boost nito.'

"O, e, si Kris ang nag-introduce kay Jover kay Kuya, so pag si Jover ang nag-request, iisipin ni Kuya, sanction ni Kris."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa ring Viber group kung saan makikitang kabilang sa mga miyembro sina Nicko, Jover, at Kris.

Ang grupo ay pinangalanang Resibo Group.

Ang salitang "resibo" ay pamosong linya sa mga blog posts ni Jover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ganoon, magkano ang inabot ng funding ni Kris para sa boosting?

Tugon ni Atty. Jess: “Hindi ito hard facts, ha, because I’m not the financial [manager].

"But from what my brother told me, from December 2017 to August 2018, ang na-charge niya on behalf of Kris, for boosting, will probably be around more than PHP200K.

“Kasi yung iba, cheap lang, PHP3K, ilang araw lang. Yung iba mahal, like PHP18K, matagal.

“When it really involves Kris, like yung James Deakin, yung blog na yun, tatagal yun. Pag hindi masyado, pag pahapyaw lang, maikli.

“Pag Mocha attacking Kris, yung inatake siya ni Mocha, mahaba. Mahaba ang boosting."

Dagdag ni Atty. Jess: “Cash para walang trail.”

May ibang bloggers pang binanggit si Atty. Jess, ngunit hindi pa raw nila puwedeng ipasulat ang mga ito dahil kailangan nila ng kongkretong “resibo,” o dokumento, na magpapatunay na si Kris nga ang nagpondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAMES DEAKIN REACTS TO #PABOOST ISSUE

Isa naman sa mga biktima ng #PABoost ay ang motoring journalist at road-safety advocate na si James Deakin.

Eksaktong isang taon makalipas ay nabatikos ng mga anti-Marcos netizens si James sa kanyang vlog, kung saan kasama niya si Bongbong Marcos.

Ayon kay James, wala namang masama sa ginawa niya dahil interview lang yun kay Bongbong tungkol sa traffic problem sa Maynila.

Dala ng bashing, nag-post din si James ng video nila ni Kris, kung saan ini-interview niya ang web star tungkol sa kanyang Kris List.

Hindi nagustuhan ni Kris ang pag-link ng video nila sa kontrobersiya kay Bongbong dahil nagagamit daw siya sa isyu.

Kalaunan, humingi ng paumanhin si James kay Kris, at pinatawad naman siya ni Kris.

Ang Pinoy Ako Blog ang nag-post ng artikulo laban kay James.

At ayon sa mga kumalat na screen shots sa social media, naka-boost raw ito sa halagang PHP18,000 sa loob ng pitong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nito na lang January 7, 2019 nakapag-post nang husto tungkol sa isyu si James Deakin (published as is):

“I always knew I was the subject of a heavily funded troll attack back in Jan of 2018, but without hard proof, I just kept my mouth shut and took the heat. And boy was there plenty of it.

"Thankfully I had a lot of very level-headed supporters that were savvy enough to see it for what it really was and kept on backing me, but it was still a very unpleasant ordeal with a personal cost that I just had to chalk up to experience.

"Now, exactly 12 months later, after a falling out within their own camp, the truth comes out. Screenshots have been leaked. Lawsuits have been filed. And it runs pretty deep.

"I know I’m just a pawn in a bigger game here, but the simple story here is: the attacks against me were sponsored, reactions were manufactured and monetized, and one 'independent political blogger' who has been duping her followers for quite some time now, has finally gotten exposed for what she is—a paid hack. A shill. A fraud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A garden variety troll that is so hungry for fame and recognition that she hasn’t yet figured out that she is also being used by her high profile backers. Poor girl. She just wanted to fit in. And she did. For so long as she was doing their dirty work, of course.

"But morally bankrupt bloggers aside (my lawyer can have fun with her) what I would like to know, however, is why the mainstream media—who were so quick to legitimize the troll attack by publishing stories back then when there was actually no story to write (they just rode off the artificial buzz generated by the funded attack and leaped in to get some hits) are now silent now that there is actual hard evidence, receipts and a confession that show it was all one big sham. A paid hit.

"A funded defamation campaign.

"THIS, I would think, is ACTUAL news. Right? Or maybe I need to boost it first for it to qualify?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ED'S NOTE: Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Atty. Ricky dela Cruz, abugado ni Kris mula sa Divina Law, upang mahingan ng pahayag tungkol dito.

Wala pa silang tugon.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag na pandagdag o pagtutuwid sa mga nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN