Ricci Rivero apologizes to Liza Soberano for his interview gaffe about working together in the future

IMAGE Courtesy: @ricciiirivero / @lizasoberano on Instagram

Ricci Rivero explains interview blunder: "I was just trying to say that I don't wanna go between Enrique and Liza because I respect the loveteams in the industry and I even said that Liza will always be Liza—so that simply means that she is already established as Liza."


Humingi na ng paumanhin si Ricci Rivero kay Liza Soberano sa pahayag nito tungkol sa posibleng pagtatambal nila ng aktres.

Sa panayam kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ricci kamakailan lamang, sinabi ng basketball star/actor na depende daw sa schedule niya kung sakaling may proyektong i-offer sa kanya katambal ang prime actress ng ABS-CBN.

Sa regular Facebook post ng manager ni Liza na si Ogie Diaz na “MAMA OGS SAYS...” ngayong Sabado, January 12, ikinuwento niyang nag-text na raw sa kanya si Ricci upang humingi ng dispensa at ipaliwanag ang kanyang panig.

Sa kunyaring tanong ng netizens kay Ogie na, “Mama Ogs, eh nabanggit mo na rin lang si Liza Soberano, ano masasabi mo du'n sa sinabi ni Ricci Rivero na kung mag-fit ang sked niya, saka pa lang siya gagawa ng movie with Liza?”

Tugon niya, “Wa echos, hindi ako nainis kay Ricci no'n o nayabangan sa kanya.

“Kaya ang sabi ko lang, iinom muna ako ng tatlong litro ng tubig.

“Actually, kahit si Liza, nu'ng kinwento ko to sa kanya, nangiti na lang siya.

“To be fair to Ricci, nag-text siya sa akin and he said, ‘Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn't mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don't wanna go between Enrique and Liza because I respect the love teams in the industry and I even said that Liza will always be Liza—so that simply means that she is already established as Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’And who am I to say no? But I know it's probably the way I said that statement so I'm sorry for that po.

“I hope you understand and not only you, but especially Liza... I look up to Liza rin naman po and I think you know that. I asked for a picture pa nga po, di ba?"

Dagdag pa ni Ogie, “Yes, when he saw Liza sa ‘Ms. Possibilities,’ nagpa-pic siya. Di ko lang alam kung pinost niya or IG stories.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN