Moira dela Torre unruffled by basher's hurtful comments

IMAGE Facebook

Moira dela Torre refuses to be ruffled by basher's hurtful comment: "As long as I can, I'm gonna promote kindness, positivity."


Di napigilang sagutin ni Moira dela Torre ang isang basher nung January 5, kunsaan pagkatapos i-post ng singer kung gaano siya ka-excited sa nalalapit na kasal nila ng kasintahang si Jason Marvin sa January 14 ay nakatanggap siya ng below-the-belt na comment mula dito.

Nilait kasi ng basher si Moira at sinabing wag itong mag-pony tail sa kasal nito dahil baka madismaya ang groom sa lapad ng mukha niya.

Naging positibo naman ang sagot dito ni Moira.

Sumagot ang singer na hindi nito iba-block ang naturang basher para pag nagtali siya ng buhok at di nadismaya sa kanya ang kanyang groom ay makita nitong hindi lang nakabase ang pagmamahal sa pisikal na kaanyuan ng isang tao.

Ayon pa kay Moira, hiling niya ay maranasan ng naturang basher ang pagmamahal na nararanasan niya ngayon.

Sa panayam ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Moira sa ASAP Natin 'To nung nakaraang Linggo, pinaliwanag sa amin ng singer kung bakit nagdesisyon siyang sagutin ang basher niya.

Lahad niya, “Nung tiningnan ko lahat, lahat ng accounts ko bina-bash niya, pati pamilya ko.

“May nakita siyang picture ng mommy ko.

“Sabi niya, 'Ang lapad din pala ng Mama mo kaya siguro siya iniwan ng Papa mo.'

“Dun na ako pumitik.

“Nung tiningnan ko, dummy account pala, so I'm confident na, 'O sige, di ka mahahanao ng mga tao. Safe ka pa rin on social media but I just need you to know this.'

“Dun ako nag-reply coz it's New Year, kakasal ako 'tapos bina-bash ako na pati pamilya ko dinadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just had to stand up for people who don't feel beautiful because they don't fit into what society says is beautiful.

“Isa sa reason ko for depression 'coz na-bully ako dahil mataba ako.

“Kahit di ka naman binu-bully, araw-araw paggising mo, minsan you feel beautiful, minsan feeling mo ang pangit-pangit mo.

“Women especially tend to be harder on themselves.

“Enough na yun, e. 'Tapos, may iba pang pumuna.

“May mga excuses pa sila na constructive criticisms, but constructive criticisms mean you build them up, you construct them nga, e.

“If you're gonna give comments, make sure it's gonna build them up and construct them to be better.

“Everyone can be better, but if you're gonna make a comment but it brings people down, it just shames people. What good will it do?

“Tama ka nga pero nakasakit ka naman.

“I'm not perfect. I'm far from being perfect.

“I hurt people but that doesn't mean I am hopeless.

“It doesn't mean I can't keep going. As long as I can, I'm gonna promote kindness, positivity.”

EMBRACING HER BODY IMAGE

Ayon sa singer ay never naman niyang itinanggi na malusog siya at hindi ito naging problema para sa kanya.

“Di ako na-offend na dine-deny ko na medyo big ako, di ko naman dine-deny yun at in-accept ko naman yun and I never have problems with that.

“But it's just something I really want to change in our society na magkadikit ang pangit sa mataba or mas maganda ka sana kung payat ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, you can be healthier, and I really believe I'm healthy.

“I try to run, I try to eat healthy. I'm not the thinnest person but I'm okay.

“Ang dami kasing may masabi lang.

“Ngayon kasi, ayoko nang sumagot, lalo na pag alam kong babalik sa kanila, na maba-bash sila.

MEMORABLE CHRISTMAS WITH FAMILY

Sa umpisa pa lang ay naging bukas na si Moira na produkto siya ng isang broken family.

Naging memorable kay Moira ang nakaraang Pasko dahil dito namanhikan sa pamilya nila ang pamilya ni Marvin at nagkasama rin ang buo nilang pamilya.

“I had Christmas with my entire family for the very first time.

“Three ako nung nag-separate ang parents ko, 'tapos ever since nun parang lagi akong hati, never silang nag-meet.

“For the noche buena namin, pamamanhikan din ni Jason so nandun yung family ko sa States, nandun yung family ko sa Olongapo and family ni Jason.

"First time na ganito pala ang feeling completely home ka na wala kang hinahanap na iba.

FACING 2019 WITH A BRAVER HEART

Tinanong din namin si Moira kung paano niya ilalarawan ang 2018 niya at kung ano ang nilu-look forward niya sa 2019.

“Roller coster, coz it's a year of ups and downs, highs and lows, but it was also a year where I learned a lot...

“Where I learned that making mistakes is okay, but not rising from it is not okay.

“Parang I saw the more vulnerable I became to my family, to my friends, to my Moirsters... kasi nung una, ang pineg sa akin ng mga fans ko, 'She's inspirational, strong, brave....'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos, di ko napansin na pinanghawakan ko yun masyado, na di ko napapansin na front na lang yun...

“Na nagbi-break na pala ako inside.

“So for a month or couple of months, I just took off all my social media and asked myself, 'Who I am now? Is it worth it?'

“I realized that it is coz if I let even one person know that they are not alone, that's my call kahit isa lang yan.

“That's my 2018 and I know that 2019 it would be something so much great, much greater because I can face it now with a braver heart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN