Moira dela Torre shares wedding details

IMAGE Facebook

Moira dela Torre (left) will tie the knot with fiancé Jason Marvin (right) today, Monday, January 14. The couple's intimate garden wedding will have a star-studded entourage comprised of Vice Ganda, Gary Valenciano, Sam Milby, John Prats, Isabel Oli, and many others.


Hindi maitago ni Moira dela Torre ang excitement sa pag-iisang dibdib nila ng fiancé niyang si Jason Marvin bukas, January 14.

Ayon sa singer, ito ang katuparan ng isang bagay na matagal na niyang pinangarap—ang magkaroon ng isang buong pamilya lalo't produkto siya ng isang broken family.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Moira sa set ng ASAP Natin 'To noong nakaraang Linggo, January 6.

Lahad niya, “Very excited to finally sleep in the same room with Jason.

“Kasi nung minsan na natutulog sila sa condo, siyempre magkahiwalay.

“Feeling ko naudlot and mga temptations na yan kasi araw-araw kaming magkasama, araw-araw kaming magkasama with band.

“Nalilimutan namin minsan na... kami kasi bestfriends kami nag-start, which is a good thing also kasi yun yung nagpadali sa pagwe-wait namin.

“But now I'm just excited to wake up next to him, I'm excited na makakapagtipid na kami sa gas, kasi di na siya pabalik-balik.

“But more than the wedding and more than the honeymoon siguro, I'm just most excited about the normalcy kasi growing up wala ako nun e, yung normal home.

“Pag nasa bahay ako ng mommy ko, nami-miss ko ang daddy ko.

“Pag nasa bahay ako ng daddy ko, nami-miss ko ang mommy ko.

“I mean, buo sila on their own, pero ako nasa middle ako palagi.

“I'm very excited lang na magkakaroon kami, na makakauwi na ako sa matatawag kong home ko na, na ito ang bago kong home.

“Di na ako hati, it's just I'm just excited to have that with Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga quiet moments na nagbabasa lang kami na walang aalis, may peace ka na kahit magkamali ka, na kahit makalimutan mong pakainin ang mga aso, may masabi kang di maganda, di siya aalis.

“That's something I never really had.”

WEDDING DETAILS

Nagbigay din ng ilang detalye sa amin si Moira tungkol sa kasal.

“Gumawa kami ng sarili naming entourage.

“Since mga bata pa kami, we understand that we need all the support that we can get.

“We have our Ninang and Ninongs like sila Tito Gary and Tita Angeline Valenciano, Sir Ericson Raymundo.

“Pero mayroon din kaming Ates and Kuyas, yung malapit sa age namin, kasi ayaw namin silang tawagin na Ninong and Ninang.

“Si Kuya Sam [Milby] Kuya Pratty and Ate Liv [John Prats and Isabel Oli-Prats)] Kuya Richard and Ate Maricar Poon, Ate Vice [Ganda] is gonna be there.

Ayon din kay Moira, mas pinili nila magkaroon ng garden wedding keysa beach wedding.

“It's a garden wedding. Pag beach kasi mataba kami ni Jason, delikado na yun.

“Pag garden more intimate, maliit lang din, 150 lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN