Sharon Cuneta ignores bashers of her appointment as Magnolia muse

IMAGE Marlo Cueto of SPIN.ph

Megastar Sharon Cuneta with Magnolia Hotshots Governor Rene Pardo at the opening of the 44th season of PBA.


Deadma lang ang Megastar na si Sharon Cuneta sa online bashers na nanlait sa kanyang appointment bilang muse ng Magnolia Hotshots. 

Naging maingay ang social media mula nang lumabas ang balitang kinuha ng Magnolia ang "major endorser" nilang si Sharon bilang muse para sa opening ng 44th season ng Philippine Basketball Association, na ginanap sa Philippine Arena nitong Linggo, January 13.

May ilang bashers ang tila nilait ang Megastar dahil ang mga kasabayan nito ay mga beauty queen at sexy star, kagaya nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Sam Pinto, at Yam Concepcion.

Pero ipinagkikibit-balikat lang ni Sharon ang mga negatibong komento at pagkukumpara sa kanya sa ibang mga muse.

Aniya, “Nothing, they don’t mean anything to me. Because I’m the one that’s here.

“I was chosen by Magnolia. I didn’t volunteer.

“I’m their major endorser and I think that understandable. It’s really my honor.”

Rumampa ang aktres sa Philippine Arena suot ang isang blue blazer suit, at nakihalubilo at naki-selfie pa sa Magnolia basketball players.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN