Gab Valenciano expresses love for new non-showbiz girlfriend

IMAGE @gabvalenciano on Instagram

Gab Valenciano on what he loves about his girlfriend, Joann Santiago: "You make me feel like I am enough. Like I am the axis in which your world revolves. I don't have to prove anything."


Wala na raw mahihiling pang iba si Gab Valenciano ngayong nakahanap na siya ng bagong pag-ibig.

Ito ang ipinarating na mensahe ng 30-year-old dancer sa sunud-sunod niyang Instagram posts nitong Bagong Taon.

Ang non-showbiz girlfriend ni Gab ay si Joann Santiago.

Isinapubliko ni Gab ang tungkol sa relasyon nila ng bagong girlfriend noong November 2018.


Stories We Are Tracking

Gab Valenciano reveals love story with non-showbiz GF
Gab Valenciano reveals love story with non-showbiz GF

Sa isang post ni Gab, inilahad niya sa caption na masuwerte siyang tinanggap ng girlfriend ang kanyang buong pagkatao.

“I am blessed to have someone who accepts everything about me, even my weirdness and quirkiness,” sabi ng pangalawa sa tatlong anak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Sa isa pang post, binanggit ni Gab kung paano niya natagpuan ang kanyang bagong pag-ibig.

“The moment I stopped looking was the moment I found. I love you to every star and back.”

Nitong weekend, ibinahagi ni Gab ang pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ng girlfriend.

Sabi niya, “You make me feel like I am enough. Like I am the axis in which your world revolves. I don’t have to prove anything. I don’t have to do anything.”

Dugtong pa niya, “unconditional” ang pagmamahal sa kanya ng girlfriend.

Sinabi rin ni Gab na ang kanyang top priority ay ang kaligayahan ng girlfriend, at nakikita raw niya ang sariling tatanda kasama nito.

“You are my bestfriend and partner and your happiness is now my top priority. This is the exact life I imagined growing up and I wouldn’t have it any other way.

“I love you, sweetheart. Thank you for being the reason I breathe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERFECT FOR ONE ANOTHER

Nitong weekend din ay nag-post ang girlfriend ni Gab tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Sabi ni Joann sa caption, perfect sila ni Gab para sa isa’t isa.

“Found the perfect equilibrium. In your arms, there’s this balance and peace.

"Your silhouette and mine are just in total harmony. We fit and are perfect for one another. I love you,” bahagi ng caption ng girlfriend ni Gab.

PAST MARRIAGE

Bago ang relasyong ito ni Gab, ikinasal muna siya sa event at TV host na si Tricia Centenera sa U.S. noong 2014.

Sinundan ito ng dalawang seremonya sa Pilipinas noong 2015.

Ngunit noong 2016 ay nakumpirma ang paghihiwalay nila dahil sa diumano’y pambababae ni Gab at money issue.

Sa kabila nito ay nanatili pa ring magkaibigan ang dating mag-asawa.

May isa nang anak si Tricia sa kanyang non-showbiz partner.


Stories We Are Tracking

Tricia Centenera reveals Gab confessed his mistakes
Tricia Centenera reveals Gab confessed his mistakes
Gab Valenciano speaks up about his alleged affair
Gab Valenciano speaks up about his alleged affair
Gab Valenciano-Tricia Centenera divorce
Gab Valenciano-Tricia Centenera divorce "already in process"


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN