Kris Aquino claims she was just bluffing when she threatened Nicko Falcis

IMAGE Cyrus Panganiban / Instagram

Kris Aquino on Nicko Falcis: "Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge..."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Inalmahan ni Kris Aquino, 47, ang diumano'y "demolition job" sa kanya ng kampo ni Nicko Falcis, 35.

Ito ay matapos aminin ni Kris na sila ni Nicko ang magkausap sa viral audio recording ng isang phone call na naganap noong September 27, 2018.

Ito ang naging palitan nila ng mga salita:

Nico: "Madam… hello..."

Kris: "You fucking asshole Nicko, okay. NO!"

Nicko: "Madam…"

Kris: "HUWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, huwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!" (Shouting)

Niko: "Oh My God…Madam… Madam…" (Crying)

Kris: "That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD." (Shouting)

Kris: “I am telling you this, step foot in the Philippines and you will be thrown into jail, Nicko."

Kris: "You stole me from my sons. No. Nicko, alam mo, I’m going to Singapore, kapag nakuha ko yung diagnosis, you know me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: “I will tell the Philippines what is wrong with me, and the entire Philippines trusts me.”

Burado na sa Instagram account ni Kris ang naunang pahayag niya ukol sa isyu.

Sa nauna niyang post, hinamon ni Kris si Nicko at nagsabing bakit hindi ito nagsampa ng reklamong "grave threats."

Tila pangungutya pa nito, hindi naman daw tinatanggap sa korte ang audio recording bilang ebidensiya.

Read: Kris Aquino admits to being the woman speaking to Nicko Falcis in recorded phone call

Pero inulit ni Kris na hindi siya ang tipo na tototohanin ang banta sa buhay ni Nicko.

Base ito sa bagong Instagram post ni Kris nitong January 15, Martes, bandang 9:36 a.m., o makalipas ang mahigit walong oras mula ng una niyang post tungkol sa pagbabantang nangyari.

Ani Kris, "alam naman nya binubwisit ko lang ang life nya that Sept 27..."

Depensa ni Kris, walang kinalaman ang kanyang mga kapatid dito, at ni hindi raw sila nagkakausap ng nag-iisang kapatid na lalaki, si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Diba nga magmula nung Sunday night in April, di na kami nagusap ni brother, sa irita nya with me? Honest ako, i’ve seen Noy once in 9 months- in kuya josh’s hospital room- they were all so worried parating sya & i was still in St Luke’s & the guy who was responsible for the recording knew that.

"#awkward My 3 meek & mild, simple, super prayerful sisters will do harm? Wag naman bilugin ang utak ng tao.

"You & i know that was a bluff provoked by anger & fear because of my awful health diagnosis."

Kinuwestiyon din ni Kris ang umano'y "voice acting" ni Nicko base sa recorded phone call nilang kumalat sa social media.

Patutsada ng actress/web star: "#dontbeasawsawero #dontmakesawsaw Kalurx kasi yung in much need of a workshop because yung voice acting kulang (at least ako drama queen ang pintas ng trolls and may guessing game na kung kailan papatak ang tears on TV)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi rin ni Kris, "i know i should be repentant pero ang hirap talaga kasi nga magna cum laude sya na inside out ng life ko alam. So i know he knew his level of guilt & my inability to make good on my 'threat'..."

FACE-TO-FACE CONFRONTATION

Kasabay nito ay inilahad ni Kris ang kanyang bersiyon ng paghaharap nila ni Nicko noong September 18, 2018—o siyam na araw bago naganap ang kontrobersiyal nilang pag-uusap sa telepono.

Ang pagkikita nila sa bahay ni Kris sa Quezon City noong September 18 ay ang araw rin ng tuluyang paghihiwalay ng landas ng dalawa.

Si Nicko ay tumayong endorser closer/talent agent/project director ng pag-aaring digital company ni Kris—ang Kris Cojuangco Aquino Productions o KCAP.

Tungkol sa araw na iyon, sabi ni Kris sa pinakabagong post nito: "sorry ha, but last time i saw him face to face when i asked for his resignation which he willingly signed, together with a quit claim & NDA, gusto akong kurutin ni R.A. because i was maldita and said- YOU ARE SO ANNOYING, PLEASE ENROLL IN A WORKSHOP? 2 hours kang trying to cry, until now walang tears! sabay irap & walk out..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Hindi naman ako nahihiya umamin, again R.A. and A.G. na present in the Sept 18 confrontation didn’t know where to look because ayaw nilang matawa, kasi nasabi ko: i’m not my brother, i’m not my sisters, because we all know- i’m not mabait..."

Ang R.A. na tinutukoy ni Kris ay si Rochelle Ahorro, staff ni Kris; at ang A.G. ay si Alvin Gagui, ang kanyang chief of staff.

"R.A. took meticulous notes from the face to face mtg. A.G. said: Madam, stating the obvious ka naman dun sa: i’m not mabait.

"R said: Alam mo, inulit mo yung 'that bar' with matching hampas ng credit card bill and yung 'Coke souvenirs from Atlanta' 8 times nakakaloka ka!"

Tila ito yung pagkuwestiyon ni Kris kay Nicko sa mga binili ni Nicko gamit ang KCAP credit card, na noo'y nakapangalan sa managing director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dulo ng post, nagpahaging si Kris tungkol sa paninira raw sa kanya, hindi lang ni Nicko, kundi pati ng ibang hindi pinangalanang personalidad.

"Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge...

"i’ll own na kasalanan ko ‘to. Diba kung ang tabihan mo may kuto, sure nang mahahawaan ka?

"Unforgivable for me? their timing- now that i am so physically weak. oh well, bilog ang mundo."

View this post on Instagram

#dontbeasawsawero #dontmakesawsaw Kalurx kasi yung in much need of a workshop because yung voice acting kulang (at least ako drama queen ang pintas ng trolls and may guessing game na kung kailan papatak ang tears on TV) sorry ha, but last time i saw him face to face when i asked for his resignation which he willingly signed, together with a quit claim & NDA, gusto akong kurutin ni R.A. because i was maldita and said- YOU ARE SO ANNOYING, PLEASE ENROLL IN A WORKSHOP? 2 hours kang trying to cry, until now walang tears! sabay irap & walk out... alam naman nya binubwisit ko lang ang life nya that Sept 27... Diba nga magmula nung Sunday night in April, di na kami nagusap ni brother, sa irita nya with me? Honest ako, i’ve seen Noy once in 9 months- in kuya josh’s hospital room- they were all so worried parating sya & i was still in St Luke’s & the guy who was responsible for the recording knew that. #awkward My 3 meek & mild, simple, super prayerful sisters will do harm? Wag naman bilugin ang utak ng tao. You & i know that was a bluff provoked by anger & fear because of my awful health diagnosis. Hindi naman ako nahihiya umamin, again R.A. and A.G. na present in the Sept 18 confrontation didn’t know where to look because ayaw nilang matawa, kasi nasabi ko: i’m not my brother, i’m not my sisters, because we all know- i’m not mabait... R.A. took meticulous notes from the face to face mtg. A.G. said: Madam, stating the obvious ka naman dun sa: i’m not mabait. R said: Alam mo, inulit mo yung “that bar” with matching hampas ng credit card bill and yung “Coke souvenirs from Atlanta” 8 times nakakaloka ka! i know i should be repentant pero ang hirap talaga kasi nga magna cum laude sya na inside out ng life ko alam. So i know he knew his level of guilt & my inability to make good on my “threat”... Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge... i’ll own na kasalanan ko ‘to. Diba kung ang tabihan mo may kuto, sure nang mahahawaan ka? Unforgivable for me? their timing- now that i am so physically weak. oh well, bilog ang mundo.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Bago ito, may isa pang makahulugang post si Kris hinggil sa hindi niya pagpatol sa isang langaw.

"Do not draw your sword to kill a fly," sabi sa quote card na ibinahagi ni Kris.

Dagdag na caption niya, "Sorry po, realized this is far more appropriate..."

View this post on Instagram

Sorry po, realized this is far more appropriate... ??

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

NICKO DENIES THEFT ALLEGATION

Noong January 4, 2019, mariing pinabulaanan ni Nicko ang alegasyon ng pagnanakaw, at sinabing "business expenses" ang lahat ng binayaran niya gamit ang KCAP credit card.

Inilahad din ni Nicko sa kanyang Counter Affidavit ang diumano'y pamimilit, pananakot, at panggigipit sa kanya ni Kris nang magkaharap sila sa bahay nito noong September 18, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatakot daw ni Nicko ang diumano'y paninigaw, panghihiya, at panunumbat sa kanya ni Kris ng araw na iyon.

Taliwas sa sinasabi ni Kris na maluwag siyang pumirma ng QuitClaim at Non-Disclosure Agreement, sinabi ni Nicko na sapilitan siyang pinapirma ng mga dokumentong kaugnay ng pagtatapos ng professional relationship nila ni Kris.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close