Martin del Rosario on issue about his sexuality: "Ayoko nang sagutin pa, paulit-ulit."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Martin del Rosario says he just shrugs off questions about his sexuality. "Ilang beses ko nang nasagot, 10 years na…"


Manhid na si Martin del Rosario, 26, sa mga tanong tungkol sa kanyang pagkalalaki.

Aniya, sampung taon na siya sa showbiz at ganoon na rin katagal ang pagkuwestiyon sa kanyang sekswalidad.

Hindi na raw siya apektado sa tuwing inuusisa siya tungkol dito.

Pero sa pagganap niya bilang transgender woman sa upcoming movie na Born Beautiful, hindi malayong ungkatin muli ang isyu tungkol sa kanyang sekswalidad.

Ano ang reaksiyon ni Martin dito?

“Wala, okay lang. Actually, sige, pag-usapan niyo pa. Parang okay nga, e…” sagot ni Martin sa kanyang solo presscon na ginanap sa GMA Network compound, Quezon City, nitong January 15, Martes.

Hindi ba siya napapagod na laging natatanong tungkol sa isyung ito?

“Hindi, kasi… buti sana kung nag-e-exert din ako ng effort na patulan at sagutin.

“Pero ngayon kasi, ilang beses ko nang nasagot, so ayoko nang sagutin pa, paulit-ulit.

“I mean, ilang beses ko nang nasagot, ten years na…

“Wala naman akong kailangang sagutin,” pahayag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nirerespeto raw niya ang opinyon ng ibang tao, pero ang mahalaga kay Martin ay kilala niya ang sarili.

“So, opinion nila yun and ako… ako yung taong hindi pikon.

“Kung ano yung opinyon mo, kung saan ka masaya, e, di go.

“Kung pangit ako, pangit ugali ko, e, di, okay lang. Tingin mo 'yan.

“Basta ako, I know myself. So, yun yung mas importante.”

NOT AFRAID TO BE TYPECAST

Pagkatapos ipalabas ang Born Beautiful sa mga sinehan, isusunod namang ipalabas ang TV series version ng pelikula sa isang cable channel.

Ani Martin, anim na buwan din siyang nag-shoot para sa movie at TV series bilang Barbs.

Kaya naman iiwas daw muna siya sa trans woman roles sa mga susunod na proyekto, pero willing daw siyang gumanap ng iba pang gay roles.

“Ayoko munang gumawa ng ibang gay role... kung gay role pala na hindi transgender, kasi may mga ginawa na akong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung huli kong ganun, yung Dagitab, yung Cinemalaya [entry]. Parang may ano siya, confused pa siya, hindi niya alam kung ano ang identity.”

Ang Dagitab ay ang 2014 movie na pinagbidahan din nina Eula Valdes at Nonie Buencamino.

Patuloy ni Martin, “Siguro iba naman, ibang layer kay Barbs.

“Gusto kong gumawa ng ibang gay role, pero definitely ibang-iba sa atake kay Barbs.”  

Ang Born Beautiful ay pinagbibidahan din nina Kiko Matos, Akihiro Blanco, at Paolo Ballesteros.

Idinirek ito nina Perci Intalan at Jun Lana at ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 23.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN