Dingdong Dantes contract with GMA-7 ends this month; will he remain a Kapuso?

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on being a loyal Kapuso: "Ito ang tahanan ko, dito ako lumaki. Araw-araw kong nararamdaman ang pagmamahal. Hindi ko naman sinasabi na kapag nasa ibang tahanan ako ay hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal nila, meron din. Pero para sa akin, I'm just really grateful."


Napagtanto ni Dingdong Dantes na tama ang naging desisyon niyang huwag munang sumabak sa pulitika.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na projects niya sa TV at pelikula.

Pahayag ng 38-year-old Kapuso actor, “Oo! Sobra, sobrang linaw talaga ng senyales. 

“Lalo na ngayong bumalik ako sa TV at saka sa movies, I think ito talaga ang mundo ko. Ito ang ibinigay sa aking trabaho.

“At sa tingin ko, ang pinakamagandang way to serve your country is to do good sa ginagawa mo, which is my job, to be an actor.

“To ensure that we always have quality content na ibibigay sa manonood, because it’s a free television.

“Gusto nating nai-inspire sila, nae-educate sila.

“At siyempre, hindi lang naman dahil sa trabaho siya, yung relationship na nabubuo dito sa set, yung mga kaibigan, yung mga puwedeng gawin, ang dami.”

Ayon pa kay Dingdong, ibang usapan naman kung sakaling pasukin pa rin niya ang pulitika sa mga susunod pang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One at a time, yung ngayon muna,” nakangiting sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng GMA primetime series na Cain At Abel sa may Quezon City noong Sabado, January 12.

LOYAL KAPUSO

Bukod sa Cain at Abel ay napapanood din si Dingdong sa weekly documentary show na Amazing Earth.

Pero ngayong buwan ay matatapos na ang kontrata niya sa GMA Network.

Ang tanong ng marami: mananatili ba siyang Kapuso?

Sagot niya, “Well, kung sakali, sa papel na lang pinagtatalunan.

“Pero siyempre, yung pagiging Kapuso, habang buhay ‘yan.

"The rest is for technicality. Hindi pa ako kasama sa usapang ‘yan."

May alok ba sa kanya ang ibang network?

“Si Perry po ang nakakaalam niyan,” natawang sabi ni Dingdong bilang pagtukoy sa kanyang longtime talent manager na si Perry Lansigan.

Marami nang mga artista na nagpapalipat-lipat ng networks. Pero isa si Dingdong sa iilang artista na nananatiling loyal sa kanilang home network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, ngayong 2019 ay 23 taon nang Kapuso si Dingdong.so.

Hindi ba sumasagi sa isipan niya kahit minsan na subukan ding makipagtrabaho sa ibang networks?

Tugon niya, “Well, sa ngayon, hindi talaga pumapasok sa isip ko yun.

“Ito ang tahanan ko, dito ako lumaki. Araw-araw kong nararamdaman ang pagmamahal.

“Hindi ko naman sinasabi na kapag nasa ibang tahanan ako ay hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal nila, meron din.

“Pero para sa akin, I’m just really grateful. 

“Kumbaga, kahit saan ako, e, nandoon palagi yung warmth, willingness to collaborate, and respect.”

Masuwerte rin daw si Dingdong dahil nakakagawa siya ng mga proyekto sa labas ng GMA-7, kagaya ng mga pelikula niya sa Star Cinema kung saan nakakasama niya ang mga artista sa ibang network.

Ang Star Cinema ang film arm ng rival network ng GMA-7 na ABS-CBN.

Pagsang-ayon ng Kapuso Primetime King, “Alam niyo, ipinagpapasalamat ko ‘yan.

“Kasi, kung hindi rin naman nila ako pinayagan, hindi nila ako binigyan ng space to explore, especially sa larangan ng pelikula, hindi magiging posible yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really owe it to them.”

Katatapos lang ngang gawin ni Dingdong ang MMFF 2018 entry na Fantastica, na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

DESCENDANTS OF THE SUN

Pagdating naman sa telebisyon, hindi raw alam ni Dingdong kung ano susunod niyang teleserye o programa pagkatapos ng Cain at Abel.

“Hindi ko po alam, technically, ito ang last show ko sa contract ko,” pakli niya.

Pero ang pangalan ni Dingdong ang isa sa nababanggit na posibleng magbida sa Pinoy version ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

Ang Descendants of the Sun ay pinagbidahan ng Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, na totoong nagkainlaban habang ginagawa ang drama series at ikinasal kalaunan.

Ayon kay Dingdong,  “Honestly, hindi ko pa siya napapanood. Pero, why not?

Kung sakaling sa kanya ibigay ang karakter na ginampanan ni Song Joong Ki, tatanggapin niya?

“Hindi ko pa alam, e, kailangan ko pang mapanood,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Dingdong nga ang magbibida sa Descendants of the Sun, gusto siyempre ng maraming fans na ang misis niyang si Marian Rivera ang maging kapareha ng aktor.

“I wish,” mabilis na reaksiyon ni Dingdong nang tanungin tungkol dito.

Dagdag niya, “Alam niyo, isa sa mga bagay na gusto kong mangyari ‘yan, ang makasama ko ulit si Marian sa TV.

“Pero siyempre, matatagalan pa ‘yan.

“Kung kay Marian talaga ialok yun, hindi niya magagawa sa ngayon or kahit next year, baka hindi pa rin.”

Kasalukuyang buntis si Marian sa pangalawang anak nila ni Marian.

Matunog din ang balitang sa pagbabalik ng reality-based artista search na StarStruck, si Dingdong pa rin ang magiging host.

Pahayag ng actor-TV host, “Again, ayoko pong mag-assume, technically, nandoon pa rin sila sa pag-uusap. 

“Ayoko namang mag-assume na, ‘Uy, kukunin ako ulit,’ di ba?”

Pagdating sa pelikula, mayroon daw siyang gagawin para sa Viva Films at mayroon din sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma rin ni Dingdong na gagawa ulit ng pelikula ang kanyang sariling film company na AgostoDos Pictures.

“Definitely, itong taon na ‘to,” paniniguro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN