Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli spend time together in Batanes

IMAGE Idiang Tour Services - Bataan (Facebook)

In a Facebook post of a tour service, the caption described Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli's visit to Batanes as "short but sweet."


Nagkaroon ng quality time ang magkasintahang Sarah Geronimo, 30, at Matteo Guidicelli, 28, sa isla ng Batanes.

Base sa social media posts ng fans nina Sarah at Matteo nitong Lunes, January 14, makikita ang mga larawan kung saan namamasyal ang dalawa sa Batanes.

Samantala, nito lamang Martes, January 15, nai-post naman sa Facebook page ng isang tour service sa kilalang Cagayan Valley tourist destination ang ilang larawan nina Sarah at Matteo na tila may kasamang tour guide.

May nakalagay na “short but sweet visit” sa caption.

Makikita naman sa isang Instagram post ang larawan habang kumakain sa isang restaurant sina Sarah at Matteo.

View this post on Instagram

AshMatt in Batanes. ?????? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG ???? ctto

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Noong nakaraang linggo, sinamahan naman ni Sarah ang boyfriend na si Matteo sa pagti-train ng motocross.

Hindi nagpahuli si Sarah at sinubukan sa unang pagkakataon ang magmaneho ng dirt bike.

Kung pagbabasehan ang social media posts ng fans ng AshMatt (tawag sa relasyon nina Sarah at Matteo), consistent ang dalawa sa pagkakaroon ng quality time sa kabila ng kanilang busy showbiz schedules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon ay nagkaroon pa ng oras ang dalawa na pumunta sa Italy para mamasyal at bumisita sa mga kamag-anak ni Matteo roon.


Stories We Are Tracking

Sarah tries boyfriend Matteo's dirt bike sport
Sarah tries boyfriend Matteo's dirt bike sport
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli Italy photo leaked online
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli Italy photo leaked online


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN