Maricel Soriano gets kilig over Ronnie Alonte-Loisa Andalio relationship

IMAGE Noel Orsal

Maricel Soriano says she is rooting for the real-life relationship of Ronnie Alonte and Loisa Andalio.


Inihayag ni Maricel Soriano na kinakikiligan niya ang relasyon ng young couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Kahapon, January 15, magkakasama silang humarap sa media conference ng bagong ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter.

Ayon kay Maricel, napansin na niya si Ronnie mula noong una pa lang niya itong nakita sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

"Itong guwapong batang 'to, na gusto ko sabunutan, napakaguwapo! Dati ko siyang nakikita sa dressing room ni Kuya Vice nila," bungad ni Maricel.

Natawa ang press sa pagtukoy ni Maricel kay Vice Ganda bilang "kuya" ng Hashtags, ang all-male group sa It's Showtime, kung saan kabilang si Ronnie.

Kaya natatawang bumawi naman si Maricel at sinabing, "Ate Vice nila. E, kasi anak ko yun si Vice, e. Kaya ang tawag ko, anak.

"Sila [mga bagets], hindi ko alam kung anong tawag [kay Vice]—ate ba, kuya ba, tita ba, ano ba?!" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil napansin nga ni Maricel si Ronnie, na-curious daw siyang malaman kung sino ang girlfriend nito. 

Sabi raw ng beteranang aktres kay Ronnie, "Guwapo ka. Sinong girlfriend mo?" 

Nalaman daw ni Maricel na si Loisa ang karelasyon ni Ronnie nang magkasama-sama na sila sa teleseryeng The General's Daughter.

Sabay turo ni Maricel kay Loisa, "Ito pala! Nakakaloka! Na-shocked ako!"

Umamin ba sina Ronnie at Loisa na sila na?

Sagot ni Maricel, "I don't know with you, guys. But with Tita Mary, they said yes!"

Pambubuking pa ni Maricel tungkol sa usapan nilang tatlo:

"Sabi ko sa kanila, 'Umamin kayo sa akin!' Sabi, 'Opo.' 'Good!'

"Tapos tinanong ko, 'Are you happy?' Ang sagot, 'Yes.' 'Good!' O, di ba?!"

Natatawa pero halatang nahihiya si Loisa na mapag-usapan sa harap ng iba pang cast ng show, media reporters, at piling fans ang tungkol sa kanila ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi niya kaming binubuking ni Ronnie," nakangiting hirit ni Loisa.

Siniguro naman ni Maricel na hindi dapat mailang ang dalaga dahil "bagay" raw sina Loisa at Ronnie sa isa't isa.

TWO-YEAR RELATIONSHIP

Noon lang November 27, 2018 umamin sina Ronnie at Loisa na dalawang taon na silang magkasintahan.

Base ito sa Instagram post ni Loisa kung saan inihayag niyang "731" days na silang magkarelasyon ni Ronnie.

Sa December 9, 2018 episode ng iWant ASAP, online format ng weekly musical-variety show ng ABS-CBN, tuluyang kinumpirma ni Ronnie na girlfriend na niya si Loisa.

Unang nagkakilala at naging malapit sa isa't isa ang dalawa sa It's Showtime. Hashtags member si Ronnie, habang si Loisa naman ay miyembro ng all-female group na GirlTrends.

Dumaan sa pagsubok ang relasyon nila nang magkaroon sila ng "pinaka-worst" na alitan noong July 2018.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2018, hindi na idinetalye nina Ronnie at Loisa kung anong dahilan ng kanilang away noon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi lang ni Loisa, "Basta ako, sa ngayon, sobrang happy ko ngayon na nalagpasan namin kung anuman yung dumating sa amin. Hindi talaga kami pinabayaan ni Lord."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN