Bureau of Immigration pushes for deportation of Tony Labrusca

IMAGE Arniel Serato

Bureau of Immigration (BI) officer says if Tony Labrusca's petition to be recognized as Filipino will be granted by the Board of Special Inquiry (BSI), he will no longer be deported.

 


Nalalagay sa alanganin ang pamamalagi at trabaho ni Tony Labrusca sa Pilipinas ngayong pormal na siyang sasampahan ng reklamo ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa ulat ng Inquirer.net ngayong Miyerkules ng gabi, January 16, inirekomenda ng Intelligence Division ng BI sa kanilang Legal Division na sampahan ng deportation complaint ang Filipino-American actor.

Pahayag ni BI Deputy Commissioner Tobias Javier, "The [BI] Intelligence Division recommended to the Legal Division the filing of a deportation case against Labrusca, I think for working without a permit.”

Dagdag pa ni Javier, gumawa naman ng hakbang si Tony na magsumite ng kanyang petisyon sa opisina ng BI para makapag-stay at makapagtrabaho sa bansa.

Si Tony ay anak ng aktor na si Boom Labrusca sa dating girlfriend nitong si Angel Jones, na isa ring celebrity.

Lumaki sa U.S. at Canada si Tony kasama ang ina at ang bagong pamilya nito.

Kahit purong Pilipino ang mga magulang ni Tony, nananatili siyang US citizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Javier, "I was informed that Tony Labrusca also filed a petition for recognition as a Filipino citizen, considering that both his parents are Filipinos."

Susuriin daw ng Board of Special Inquiry (BSI) ng BI ang petisyon ni Tony.

Kung may basehan at ma-grant ito, gagawa sila ng rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) upang payagan ang aktor na tumira at makapagtrabaho sa Pilipinas.

Ayon pa rin kay Javier, kapag papayagan ng gobyerno ang petisyon ni Tony, magiging moot and academic na ang deportation case nito.

“We could no longer deport him. He is already a Filipino.”

Nong January 3, isiniwalat ng isang netizen ang diumano'y paninigaw at pagmumura ni Tony sa harap ng Immigration Officers sa NAIA Terminal 1.

Ito ay matapos na isang buwan lamang ang ibinigay sa kanyang pananatili sa bansa, gayong marami raw siyang nakapialng trabaho.

Nag-viral ang nasabing post ng netizen kaya nabatikos nang husto si Tony sa kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff
Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff

Kinabukasan, January 4, humingi ng dispensa ang aktor.


Stories We Are Tracking

Tony says sorry for his behavior with immigration officer
Tony says sorry for his behavior with immigration officer

Umuwi si Tony sa Pilipinas noong 2016 at sumali sa reality-based singing search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar.

Nakarating sa grand finals si Tony subalit hindi pinalad na makasama sa limang nanalo.

Bago matapos ang 2018, umingay ang pangalan ni Tony dahil sa mapangahas nitong role sa iWant movie na Glorious, kung saan nakapareha niya si Angel Aquino.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN