How Xian Lim copes with sobrang hyper girlfriend Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal / @xianlimm Instagram

Xian Lim on Kim Chiu: "Nahumaling talaga ako sa pagkalambing niya."


Inamin ni Xian Lim, 29, na sa loob ng ilang taong magkarelasyon sila ni Kim Chiu, 28, ay "never" silang nagsumbatan nito.

Gamay na raw nila ang pag-uugali ng isa't isa.

Malaking tulong daw ang hilig nila sa pag-travel upang magkaalaman sila ng pagkakaiba sa diskarte kapag may problema silang kinakaharap.

"Hindi naman aabot sa 'ayoko na sa 'yo.' Hindi naman aaabot sa ganun.

"Pero meron at meron talagang away sa isang biyahe," pag-amin ni Xian.

Nito lang nakaraang bakasyon ay ipinagdiwang nina Xian at Kim ang New Year sa China.

Ano ang nakikita niyang pagkakaiba nila ni Kim kapag nagbabiyahe? 

Sagot ni Xian, "Si Kim kasi sobrang hyper. Alam naman natin, 'Hello, everybody!'

"Siyempre [on my part], 'Kim, pahinga naman tayo kahit konti.

"Siksik na siksik na yung travels natin. Enjoy-in lang natin sandali.'

"I think sa sobrang hyper niya, dumating sa point na mabilis siyang mataranta." 

May isang insidente raw pagdating nila ng Harbin, China ay hindi inaasahang apat na tour guide ang na-book ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nataranta siya. 'Xi, Xi, anong gagawin ko, Xi?' Cancel, cancel, cancel. E, hindi pala na-cancel.

"Dumating sa hotel, apat na kotse. A, ok... Binayaran namin."

Paano nila hinarap ang sitwasyon?

Sagot ni Xian, "Kinukuwestiyon ko. 'Kim, sabi ko sa 'yo, chill ka lang, e.'

"Pero hindi kami umaabot sa nagsusumbatan na kami. Hindi kami umaabot sa ganun."

Swak daw ang pagiging "hyper" ni Kim sa pagiging "introvert" ni Xian.

Paliwanag niya, "Introvert kasi ako, e. Kaya balanseng-balanse. Sino mag-a-adjust?

"Ako. Hahaha! Mga introverts laging nag-a-adjust."

Nakapanayam si Xian ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa media conference para sa pelikulang Hanggang Kailan, na pinagbibidahan nila ni Louise delos Reyes.

Ginanap ang mediacon sa Le Reve Events Place sa Quezon City, kagabi, January 17.

"SOBRANG LAMBING NI KIM."

Paano naman si Kim bilang girlfriend?

Nakangiting sagot ni Xian, "Matagal na rin kami. Sobrang lambing ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, nahumaling talaga ako sa pagkalambing niya."

Malaking bagay rin daw sa kanilang relasyon ang pagiging open nila sa isa't isa.

"Hindi dapat nagtatago ng sikreto. Kung may hindi man pagkakaintindihan, pag-usapan na.

"Tapusin na agad. Huwag na dapat aso't pusa."

Nalampasan na rin daw nila ang phase na may selosan issue.

"Kasi tao lang naman kami. Dadating sa point na nagseselos.

"Pero sa trabaho kasi, masaya na kami para sa isa't isa na may trabaho, e.

"Meron kaming projects na ginagawa. Mas importante yun. Napag-uusapan naman lahat."

Sino ang mas nagseselos?

"Kapag tinanong niyo si Kim, sasabihin niya ako. Pag tinanong niyo ako, sasabihin ko si Kim.

"Feeling ko si Kim, kasi mahilig siya magtanong. Pero hanggang tanong lang naman.

"Never umaabot sa sumbat. Never umaabot sa bossy."

WHO SAYS SORRY FIRST?

Sino ang unang nagso-sorry kapag may alitan sila?

Natatawang pag-amin ni Xian, "Ako lagi nagso-sorry. 'Sorry na. Sorry na.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin naman daw kasi silang malalim na pinag-aawayan.

"I think it's more of napag-aawayan namin yung oras, e.

"Sometimes nakakalimutan namin na ang dami kasi naming ginagawa.

"Dun lang talaga yung malalaking away na, 'O, ano na? Hanggang ngayon wala pa rin.'

"Yun yung pinaka-usual."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN