Shaina Magdayao prolongs showbiz break to be with family

IMAGE Noel Orsal

Shaina Magdayao is enjoying an extended holiday break for a bit of me-time and bonding with her family. She relates, "I don't remember devoting much time for 'rest' and 'family time' I am so happy."


Sinusulit ni Shaina Magdayao, 29, ang natitirang mga araw ng kanyang bakasyon bago magbalik sa trabaho.

Sa kanyang Instagram Story posts nitong January 17, Huwebes, nagbigay ng update ang Kapamilya actress kung ano ang kanyang mga pinagkaabalahan.

Bago ito, ang pinakahuling post ni Shaina sa Instagram ay dalawang linggo na ang nakalilipas—January 3.

Sabi pa ng aktres, bukod sa bakasyon, ang paglalaan ng oras para sa pamilya ang kanyang pinagtuunan ng pansin.

Magiging maid of honor din daw siya sa kasal ng pinsan ngayong Sabado, January 19.

“BACK… but not quite back to ‘normal’ and ‘werq life’ Im still on leave until the 21st -til my sister is in Mnl and my MAID OF HONOR duties for my cousins wedding this Saturday.”

Ayon din kay Shaina, matagal na panahon bago siya nagkaroon uli ng oras para sa sarili at pamilya.

“I don’t remember devoting much time for ‘rest’ and ‘family time’ I am so happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya sa pagbabakasyon niya pati sa social media, “Been a while since I last browsed IG and so I just wanted so say HEY”

Pero paniniyak pa ni Shaina, “BE SOOOO BACK NEXT WEEK”

Base sa kanyang Instagram posts, December 17, 2018 nang lumipad patungong U.S. si Shaina para roon mag-Pasko kasama ang isa niyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This week naman, may mga lumabas na larawan sa social media kung saan makikita si Shaina na nagpunta sa Boracay kasama ang mga kapatid, kabilang na si Vina Morales.

Ang huling proyektong ginawa ni Shaina sa telebisyon ay ang afternoon teleserye na Asintado, na pinagbidahan din ni Julie Montes.  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN