Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Nicko and Jess Falcis file two counts of grave threats against Kris Aquino

by Arniel C. Serato
Jan 18, 2019
<p>Brothers Nicko (center) and Atty. Jesus Falcis (right) have filed two counts of grave threats against TV host/actress/web star Kris Aquino (left) at the Quezon City Regional Trial Court.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Rachelle Siazon / Arniel Serato

Pormal nang sinampahan ng magkapatid na Nicko Falcis at Atty. Jess Falcis si Kris Aquino ng reklamong two counts of grave threats.

Inihain nila ito sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC).

Sa eksklusibong impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng aming source na bandang 4:50 ng hapon ngayong Biyernes, January 18, isinampa ng magkapatid ang reklamo laban sa web star.

Ang basehan ng reklamo ng Falcis brothers ay ang pananakot ni Kris kay Nicko sa phone conversation nila noong September 27, 2018.

Ngayong linggo ay naging viral ang recording ng isang phone conversation sa pagitan ng isang babae at ng kausap nitong tila takot na takot dahil sa pagbabanta ng babaeng "papapatay" ito ng pamilya niya.

Sa Instagram post ni Kris noong Miyerkules ng madaling-araw, January 16, inamin nitong siya ang babaeng nasa recorded phone call, at napag-alaman namang si Nicko ang kausap nito.

Ngunit sa isa niyang post, sinabihan ni Kris si Nicko na hindi naman admissible ang recording sa korte dahil hindi narinig sa recording na nagpaalam si Nicko upang marekord ito.

Matapos ng mga walong oras, deleted na ni Kris ang post na ito, at ang inilagay nitong panibagong post ay nagsasabing bluff lamang ang pagbabanta niya kay Nicko.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon sa impormanteng nakausap ng PEP.ph, ang pag-amin ni Kris na binantaan niya si Nicko ang isa sa mga ebidensiyang gagamitin ng pamilya Falcis laban sa minsa'y kinilala bilang Queen of All Media.

Ang iba pa raw nilang gagamiting ebidensiya ay ang testimonya at affidavit ni Nicko tungkol sa pananakot ni Kris sa kanya.

Nauna nang sinampahan ni Kris si Nicko ng reklamong 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod sa Metro Manila noong October 12, 2018.

Ito ay dahil daw sa unauthorized use ni Nicko ng credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na umabot daw sa halagang PHP1.3M.

Nagsampa rin si Kris ng reklamong nine counts of cyberlibel laban naman kay Atty. Jess, sa Department of Justice (DOJ) noong November 22, 2018.

Ito naman ay dahil sa paninira diumano sa kanya ng nakababatang kapatid ni Nicko, na liban sa pagiging abugado, ay radio commentator din.

STORIES WE ARE TRACKING

KRIS CAMP TO WAIT FOR COPY OF COMPLAINT

Kaagad na hiningi ng PEP.ph ang reaksiyon ng kampo ni Kris, sa pamamagitan ng abugado nitong si Atty. Ricky dela Cruz ng Divina Law, kaugnay ng inihaing reklamo ng magkapatid na Falcis.

Continue reading below ↓

Ayon kay Atty. Dela Cruz, hihintayin muna nila ang kopya ng reklamo bago sila magkomento.

Aniya, "Intayin muna namin matanggap ang kopya ng reklamo bago kami magbigay ng comments. Thanks."

UPDATE: Samantala, nag-post nitong January 19, Sabado, sa kanyang Instagram account si Atty. Jess Falcis ng larawan nilang magkapatid sa harap ng Justice Cecilia Munoz-Palma Hall, Department of Justice building, Quezon City Hall complex.

Ito ang naka-caption sa post ni Atty. Jess:" Growing up as gay people, we were bullied but we have always stood up against our bullies. This is no exception.

"A death threat is a death threat. We have to protect our life and security from the crazy rich and powerful."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Brothers Nicko (center) and Atty. Jesus Falcis (right) have filed two counts of grave threats against TV host/actress/web star Kris Aquino (left) at the Quezon City Regional Trial Court.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Rachelle Siazon / Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results