Boobay, more careful now not to overwork after 2016 stroke

IMAGE Rommel Gonzales

Boobay (left, here with The Boobay and Tekla Show partner Super Tekla) is now more aware of his body's reactions to work: "'Pag nararamdaman ko naman na parang may something, 'pag pagod na talaga ako, nagpo-pause na talaga ako."


Taong 2016 ay nagka-mild stroke ang komedyanteng si Boobay at sumailalim sa therapy upang muling makapagsalita at makapagtrabaho. That time ay hindi rin gaanong nakakakilala ang 32-year-old na komedyante bunga nga ng stroke.

Ang sobrang pagtatrabaho ang naging sanhi ng stroke noon ni Boobay, kaya naman ngayon ay marunong na siyang magdahan-dahan.

Kumusta na ang kalusugan niya ngayon?

“Okey-okey naman na,” sagot ni Boobay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Boobay And Tekla Show (TBATS) nitong Lunes, January 14 sa 17th floor ng GMA Network building.

Ang TBATS ay dating GMA online show nila ni Super Tekla, na ngayon ay isa nang ganap na TV show at mapapanood na sa January 27, gabi ng Linggo, mula 10:25 hanggang 11:25 pm, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Mas aware at maingat na si Boobay ngayon.

“Yes! ‘Pag nararamdaman ko naman na parang may something, ‘pag pagod na talaga ako, nagpo-pause na talaga ako, hindi ko na tinutuhug-tuhog ang mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibang-iba na kaysa before.”

Hindi naman daw paguran ang taping nila ng TBATS.

 

TBATS BUCKET LIST GUESTS

Magge-guest ba ang bestfriend ni Boobay na si Marian Rivera sa TBATS?

“Ay, sinabihan ko na siya!  Sabi niya, oo. Hahanapan daw niya ang schedule niya.

Kahit buntis si Marian ay payag daw itong maging guest nina Boobay at Tekla.

“Magka-text na kami, sabi niya su-support siya. ‘Tsaka nag-invite din siya sa Sunday PinaSaya nung Linggo, sinabi niya mismo.

“Supportive naman siya nang bonggang-bongga.”

Hindi raw nakapag-guest ang Kapuso Primetime Queen nung online show pa lang ang TBATS.

Ayon pa kay Boobay, nasa bucket list nila na mai-guest si Marian at ang mister nitong si Dingdong Dantes sa kanilang show.

 

GOING HEAD TO HEAD WITH VICE

Ano ang pakiramdam na ang katapat ng show nila ay ang show ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice?

“Tinatanggal na namin kasi yung factor na parang itatapat kami, yung ganun. Para hindi kami maapektuhan din,” sagot ni Boobay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gagawin na lang namin kung ano yung trabaho namin, kung ano yung nasa script o kung ano yung gustong ipagawa nung segment.

“Dun kami magpo-focus, hindi yung… kasi ang ending niyan, ‘pag masyado namin siyang dinidibdib na siya ang katapat namin, the more na parang hindi magiging natural na yung pagpapasaya namin, or pagpe-perform.”

Inaalis nila ang kaba?

“Oo, oo! Ang tinitingnan talaga namin yung brighter side of the situation, na pinagtiwalaan kami ng GMA na gawin ito.”

Bukod sa magkalabang shows ay magkaiba rin sila ng comedy bars na pinagtatanghalan; sa Punchline at Laffline si Vice samantalang sa Klownz at Zirkoh si Boobay.

Magkakilala naman daw sila nang personal ni Vice.

“Dati nagkakasama naman kami nung dumadalaw-dalaw siya sa Zirkoh dati, nung hindi pa siya nagdyi-GGV.”

BOYFRIEND GOING HOME ON VALENTINE’S DAY

Samantala nasa Australia pa rin ang boyfriend ni Boobay na si Kent Juan Resquir dahil nagtatarabaho ito doon bilang physiotherapist at nag-aalaga rin ng stroke patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki ang naitulong ni Ken para gumaling agad si Boobay mula sa stroke niya noong November 2016.

“Uuwi siya sa February 14,” ang tumatawang bulalas ni Boobay.

Six days lang daw sa Pilipinas si Kent.

Dalawang taon na ring long-distance relationship ang namamagitan kina Boobay at Kent. Nang gumaling si Boobay ay nagtrabaho na si Kent sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seven years na ang relasyon nila.

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN