Bela Padilla counters body-shaming comment with positivity

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Bela Padilla responds tactfully to a body-shaming netizen who commented about her booty: "No, I don't need anything more, quite happy with what I have."


Hindi natinag si Bela Padilla, 27, sa komento ng isang netizen na pinuna ang katawan ng ABS-CBN actress.

Nag-post si Bela sa Instagram noong January 18, Huwebes, kung saan naka-one-piece bathing suit siya sa beach.

Nagkomento ang isang netizen at pinuna ang pagiging sexy ng aktres.

Ayon sa netizen, kulang daw ang “booty” o puwet ng aktres.

Sinagot ito ni Bela.

Komento niya, “no, I don’t need anything more, quite happy with what I have [smile emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakuha naman ng kakampi si Bela sa kanyang sagot.

Ang ibang netizen naman, binatikos ang body-shaming comment ng netizen.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inalipusta ang katawan ni Bela.

Noong February 2018, may mga netizen na pumuna rin sa katawan ni Bela sa larawan niyang naka-swimsuit sa kanyang Instagram.

Pinagdiskitahan ng mga netizens ang puson ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong March 2018 naman, may sinagot si Bela na netizen na tinanong kung banlag ang aktres.


Stories We Are Tracking

Bela slams netizens for negative comments about her belly
Bela slams netizens for negative comments about her belly
Bela Padilla gives winning answer to
Bela Padilla gives winning answer to "are you banlag"

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN