Henry Sy Sr. family grateful for outpour of sympathy

IMAGE Facebook / SM Investments

The family of business tycoon Henry Sy Sr., releases official statement and message of thanks for outpour of support and sympathy. Sy Sr., 94, passed away on January 19, Saturday morning.


Humingi ng privacy ang naiwang pamilya ni Henry Sy Sr., sa pagpanaw ng business magnate nitong nakaraang Sabado ng umaga, January 19.

Sa official statement mula sa opisina ni Henry Sy Jr., isa sa anim na anak ng nakatatandang Sy, nagpasalamat ang kanilang pamilya sa simpatya at suporta mula sa publiko sa pagpanaw ng chairman ng SM Group of Companies.

“We are truly grateful for the outpouring of sympathy on the passing of our father, Henry Sy, Sr.

"May we respectfully ask for privacy today to give the family time to reflect and to finalize arrangements,” ayon sa official statement.

Nagbigay din sila ng detalye ukol sa public viewing ng mga labi ng negosyante sa isang memorial chapel sa Taguig City.

“Public viewing at Heritage chapels starts at 9am tomorrow until Wednesday evening.

"Interment is on Thursday. Mass every night at the wake at 7pm starting tomorrow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM RAGS TO RICHES

Mula sa Xiamen, China, lumikas ang pamilya ni Sy sa Pilipinas noong siya ay 12 anyos pa lamang.

Nagtayo ang kanyang ama ng isang sari-sari store sa Echague sa Quiapo, Maynila, bilang panguning kabuhayan nila.

Subalit gumuho ang kanilang tindahan sa pagsiklab ng World War II.

Nagdesisyon ang ama ni Sy na bumalik sa China, pero nagpaiwan ang kanyang anak sa Pilipinas.

Habang nagtatrabaho ng araw at gabi, isinabay ni Sy ang pag-aaral sa Far Eastern University.

Nagtapos siya ng kursong Commercial Studies.

Nang magtapos, pinasok ni Sy ang pagtitinda ng sapatos para sa mga sundalo.

Nang umunlad ito, itinayo niya ang kanyang negosyo na tinawag niyang Shoe Mart noong 1958.

Lumago ang kanyang negosyo at ginawa niya itong department store noong 1970s.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai, Luis, Karen, post tributes to Henry Sy Sr.
Ai-Ai, Luis, Karen, post tributes to Henry Sy Sr.
SM Group founder Henry Sy. Sr. dead at 94
SM Group founder Henry Sy. Sr. dead at 94

Si Sy ang tinaguriang Philippines's richest man, ayon sa Forbes, isang global media company. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN