Sarah Geronimo shows affection for Matteo Guidicelli in Pampanga trip

IMAGE @mateoguidicelli Instagram

Sarah Geronimo and Matteo Guidicielli have no qualms showing affection for each other in public as the actor joined a motorcycle race in Pampanga this weekend.


Consistent sina Sarah Geronimo, 30, at Matteo Guidicelli, 28, sa pagiging sweet sa isa't isa kahit sa pampublikong lugar.

Sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, January 20, ipinakita ni Matteo ang ilang litrato nila ni Sarah na kuha sa Pampanga.

Sinamahan ni Sarah si Matteo sa pagsali ng aktor sa Boss Ironman Motorcyle Challenge.

Makikitang magka-holding hands ang dalawa sa litrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @mateoguidicelli Instagram

May iba pang kuha ang magkasintahan kung saan hindi mapaghiwalay ang dalawa habang nasa holding area ng event.

Hawak nila ang kamay ng isa't isa habang nakasakay si Matteo sa motorsiklo at si Sarah naman ay nakatayo sa tabi nito.

View this post on Instagram

Yung kamay. Matic. ?? #AshMatt ???? #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG | ???? ctto

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Proud girlfriend ang dating ni Sarah habang todo-ngiti na umakbay kay Matteo at saka pumayag na makunan sila ng litrato ng mga nanood ng event.

Base ito sa Instagram post ng fans ng couple.

View this post on Instagram

Sarah supporting Matteo at the #BossIronman2019 ?? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG | ctto

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Kamakailan lang ay namataan sina Sarah at Matteo habang nagbabakasyon sa Batanes province.

Noong September 2018, ipinagdiwang ng couple ang kanilang fifth anniversary sa Italy.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN