Louise delos Reyes reveals reason for breakup with showbiz ex-boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes on past relationship with showbiz ex-boyfriend: "Kasi ako, during that time, I thought it was worth it. I thought meron siyang pupuntahan."


Sa naging press conference ng bagong pelikula ng Viva Films, ang Hanggang Kailan na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes at Xian Lim, napag-usapan ang tungkol sa kumplikadong relasyon.

Base sa kuwento ng pelikula, kahit gaano mo raw kamahal ang isang tao, dumarating din ito sa puntong bibitaw ka rin kapag sobrang kumplikado na ang relasyon.

Ayon kay Louise, ito ay isang pangyayaring personal niyang naranasan.

Lahad niya, “Personally po, opo, napagdaanan ko siya.

“Pero, I’m not speaking po sa lahat ng may complicated na situation.

“Sa relationship kasi, hindi mo masisisi yung tao o hindi mo madya-judge kung hindi mo malalaman ang tunay na nararamdaman niya.

“Kasi ako, during that time, I thought it was worth it.

“I thought meron siyang pupuntahan.

“At the same time, parang wala naman talaga siyang pupuntahan and self-destruction na talaga yung ending niya.”

Dahil dito, naniniwala raw si Louise na depende talaga sa kanya-kanyang nararamdaman at situwasyon ang anumang magiging desisyon tungkol sa relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Sa akin po, depende rin yun.”

“One day, na-realize ko rin, parang kahit gaano katanga ang isang tao sa pag-ibig, one day mari-realize niya rin.

“Siguro mga 70% na akong nag-self-destruct.

“Na-realize ko na lang na hindi ko na kaya.

“I know that there’s a much better person for me out there.”

NOT ALJUR

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa presscon ng Hanggang Kailan na ginanap noong January 17 sa Le Reve Events Place sa Sgt. Esguerra Ave., Quezon City.

Habang nagsasalita si Louise, pinaghinalaan ng ilang entertainment press na ang tinutukoy niyang relasyon sa kanyang kuwento ay ang naging relasyon niya dati kay Aljur Abrenica.

Pero nang makausap namin si Louise pagkatapos ng open forum, itinanggi niya ito at sinabing hindi raw si Aljur ang tinutukoy niya.

Natawa naman ito sabay sagot ng, “Oo, oo!” sa tanong namin kung kumakanta ba itong ex-boyfriend na tinutukoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, kapag nasa banda talaga, kumplikado, e.

Kung matatandaan, ang huling naugnay kay Louise ay si Champ Lui Pio na guitarist at vocalist ng bandang Hale.

COMPLICATED NO-LABEL RELATIONSHIP

Isang factor kung bakit naging kumplikado ang relasyon nila dati ay ang kawalan ng label o pagiging official talaga ng relasyon.

Ayon dito, “I think, kumplikado rin kasi hindi niyo alam ang label niyo sa isa’t isa.

“Hindi niyo alam kung ano ang itatawag niyo—kung girlfriend mo ba siya or dating stage kayo.

“I think, nag-cross kami ng borders na wala nang ligaw, wala nang lahat.

“Parang you came to a point na, 'Okay sige, mahal namin ang isa’t isa.'

“At the same time, uma-agree rin naman ako na kapag kumplikado na, umalis ka na.

“Pero binigyan ko siya ng hope, siyempre, babae.

“So, binigyan ko ng hope yung relationship na baka mag-progress siya one day and I can introduce him as my boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then again, it became complicated na may mga sari-sarili kaming issues with ourselves na hindi namin kayang i-solve together.”

Kasama na rin daw yung may ibang prayoridad ito.

Pag-amin niya, “Yes, may iba siyang priority.

“At masakit sa isang tao na siya ang priority mo, pero hindi ikaw ang priority niya.”

CURRENT BF

Thankfully, wala naman daw sila halos pinag-aawayan ng current non-showbiz boyfriend niya.

Saad niya, “He’s a businessman po.

“Meron siyang dalawang business and sina-sideline niya lang ang pagdi-DJ para lang may magawa siya.”

May plano na rin sila ng boyfriend para sa darating na Valentine’s Day.

Ayon kay Louise, “Parehas kaming mahilig gumala at magpunta sa beach.

“Baka mag-Panglao kami.”

FIRST TIME IN JAPAN

Dahil sa pelikulang Hanggang Kailan, nakarating daw siya sa Japan sa unang pagkakataon.

Masaya niyang kuwento, “It’s actually my first time sa Japan kaya memorable rin talaga ‘tong movie na to sa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming nagbukas na opportunity. Ang daming realization sa sarili ko.

“Also, ang dami kong natutunan with Xian and Direk, sa lahat ng mga kasama namin, ang dami.

“'Tapos, meron kaming eksena na sana abangan niyo.”

Ang pinuntahan nila sa Japan ay ang Saga, isang siyudad sa island ng Kyushu.

Isa raw ito sa mga lugar na di-karaniwng pinupuntahan ng mga turista.

Ayon kay Louise, “Ako kasi, kapag pumupunta sa ibang bansa, mas gusto ko yung mga lugar na hindi napupuntahan ng mga tao.

“Yung hindi siya nakikita sa mga postcards or sa Instagram ng sino mang vloggers.

“Yung Saga kasi, para siyang probinsiya.

“So ang tahimik niya, sobrang ang linis, ang lamig.

“First time ko sa Japan, so na-amaze talaga ko.”

Sa Februay 6 na ipalalabas ang Hanggang Kailan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close