Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto; leaves lawyers to issue statement

IMAGE @rbchanco / @juansarte Instagram

Kris Aquino (left), avoids naming Gretchen Barretto (right), but releases official statement two days after Gretchen alleges that Kris brokered for a businesswoman with tax delinquencies.


Inalmahan ni Kris Aquino ang tingin niya ay panibagong malisyosong alegasyon at pananadyang galitin siya sa social media.

Hindi binabanggit ni Kris ang pangalan ni Gretchen Barretto.

Ngunit wala mang diretsahang pagpapangalan kay Gretchen, hindi kailang nito lang January 18 ay isiniwalat ni Gretchen sa sariling Instagram Live ang pag-powerbroker umano ni Kris sa panahong nasa Malacañang ang pamilya nito.

Diumano, tinulungan ni Kris makatakas sa pagbayad ng karampatang buwis ang kaibigang businesswoman na si Alice Eduardo.

Ipinakilala raw ni Kris si Alice kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Chair Kim Henares, upang bumaba nang husto ang dapat sana'y "hefty amount" ng buwis na babayaran ng businesswoman. 

Kapalit daw ng pabor na ito ay perang "pang-shopping lang" sa U.S. ng "bags and clothes and shoes" na ipinapadala kay Kris.

Nangyari raw ang lahat ng ito nang ang kapatid ni Kris, si Benigno Aquino III, ay Pangulo ng bansa. Si PNoy ay nanungkulan mula 2010 hanggang 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Gretchen, sa ginawa raw ni Kris ay ipinagkait nito sa kapwa-Pilipino ang dapat sana'y mga benepisyo mula sa buwis na ibinabayad sa gobyerno.

Kagabi, January 20, sumagot si Kris sa Instagram sa alegasyon, nang hindi binabanggit si Gretchen.

Hayagang pinabulaanan ng actress/TV host/web star ang akusasyong tinulungan niya ang businesswoman na si Alice Eduardo sa tax problems nito.

Bahagi ng pahayag ni Kris: "8 years of certified BIR tax payments ang nilabas ko, hindi po para magyabang, pero para magpatunay, na kailanman ay hindi ko magagawang ipagkait sa PH at mga PILIPINO ang karapat dapat at tamang buwis na dapat kong ibayad.

"322,098,558.74 in paid taxes over 8 years, and i was already the top 8 taxpayer in 2008, a year before my mom died and 2 years before my brother became president."

Buwelta pa ni Kris, simula't sapul ay nakilala siyang transparent pagdating sa regular na pagbabayad ng buwis.

Sa breakdown ni Kris ng kanyang tax payments, ito ang mga halagang ibinayad sa BIR ng isa sa pinakamalaking endorsers ng bansa at ang ranking nito sa listahan ng highest individual taxpayers:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YEAR  AMOUNT              RANK

2008  PHP25,443,936.22    #8
2009  PHP12,786,797.52    #37
2010  PHP32,309,962         #17
2011  PHP49,871,657         #1
2012  PHP44,933,335         #6
2013  PHP40,481,146         #16
2014  PHP54,530,635         #6
2015  PHP61,741,090         paid April 15, 2016

Iginiit din ni Kris na public record ang kanyang tax payments mula 2008 hanggang 2015, at madaling ma-verify sa BIR.

KRIS LAWYER'S STATEMENT

Kalakip ng maikling post ni Kris ang official statement ng Divina Law Office, isa sa mga abugado ni Kris.

Naka-address ang official statement sa "SOCIAL MEDIA USERS' MALICIOUS ALLEGATIONS AGAINST MS. KRIS AQUINO."

Nakasaad ditong walang katotohanan ang alegasyong nagsilbing tagapamagitan si Kris sa negosyanteng si Alice at sa BIR.

Hindi raw kailanman makikipagsabwatan si Kris sa sinumang personalidad na nais takasan ang pagbayad ng buwis.

Pinaalalahan din ng legal counsel ni Kris na tigilan na ng mga taong walang kinalaman sa legal battles ni Kris ang pakikialam sa mga kontrobersiyang kinahaharap ng kliyente nila.

Narito ang kabuuang pahayag ng Divina Law Office (published as is):

"First, our client did not intervene for Ms. Eduardo in any pending tax case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Second, our client is a friend of Ms. Eduardo for seven years already, and she knows her to be a law abiding citizen. However, the personal relationship of our client with Ms. Eduardo does not extend to her business interests.

"Ms. Aquino has been in the entertainment industry for three decades, and in those three decades, the Filipino people are witnesses to her tireless dedication, hard work, and commitment to her craft, whether as a movie actress, game show host, talk show presenter, or a trusted product endorser.

"Ms. Aquino prides herself with the fact that, from the time she first entered the industry, she has faithfully obeyed and adhered to the rule imposed by her mother, former President Cory Aquino: TO REPORT HER INCOME ACCURATELY AND PAY TAXES TO THE LAST CENTAVO. It is through the responsible paying of taxes that she may honor the support given to her by the Filipino people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The certified and published tax records of our client prove that, from 2008 to 2015, she has ranked among the country's top taxpayers.

"In fact, in 2011, she was the number 1 individual taxpayer in the country. We reiterate that our client did not and will never aid, abet, or tolerate any tax evasion by anyone.

"Individuals using social media to cause unjust vexation against our client, Ms. Aquino, should first do their due diligence when levying accusations about tax compliance, especially when they are not a party to any of the cases filed by our client, or those filed against our client."

View this post on Instagram

To put things in context: Nilabas ang list ng top individual taxpayers for income earned in 2011, taxes paid in full April 15 up to July 15, 2012 nung income tax season of April 2013, the same time His Highness, the Sultan of Brunei ???????? was in the Philippines, for a State Visit... @inquirerdotnet used this photo as their front page banner picture... Kung maniniwala ako sa fairytale, si Princess Intan hindi lang pala sa @crazyrichasians pwede maging royalty... Please chill?That was just super wishful thinking. 8 years of certified BIR tax payments ang nilabas ko, hindi po para magyabang, pero para magpatunay, na kailanman ay hindi ko magagawang ipagkait sa ???????? at mga PILIPINO ang karapat dapat at tamang buwis na dapat kong ibayad. ?322,098,558.74 in paid taxes over 8 years, and i was already the top 8 taxpayer in 2008, a year before my mom died and 2 years before my brother became president. This post was simply a statement of easily verifiable BIR tax records... REALITY CHECK. ?? HAPPY SUNDAY EVENING. #lovelovelove ??????????????????????????

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

KRIS-GRETCHEN WORD WAR

Mula nang lumabas ang isyu sa pagitan nina Kris Aquino, 47, at Nicko Falcis, 35, dalawang beses—Enero 5 at Enero 15—nag-post si Gretchen Barretto, 48, sa Instagram upang ihayag ang suporta kay Nicko.

Hindi magkakilala sina Gretchen at Nicko, ngunit lumalabas na may hindi pagkakaigihan sina Gretchen at Kris.

Pagtatapat ni Gretchen sa kanyang IG Live: "When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-dismiss naman ni Kris nang may nag-udyok na sagutin na si Gretchen: "You keep telling me to make pansin Ms. Gretchen Barretto. I refuse kasi she's not involved. She's another one na gustong sumali. What's the issue?"

Sina Gretchen at Kris ay parehong nakilala sa telebisyon at pelikula, bagamat mas pribado na ang buhay ng una at mas digital na ang exposure ng huli.

Madalas din nilang pangsanggalan na nagsasabi lamang sila ng totoo at mahalaga ito sa kanilang kredibilidad.

Pahayag ni Gretchen sa kanyang IG Live tungkol kay Kris: "I don't have reason to lie. I don't want to lie. It's easier to say the truth."

Sabi naman ni Kris sa kanyang IG post nang amining binantaan niya si Nicko: "...yes even if it gets me in trouble i really speak my truth."

Masasabing mas may kaugnayan ang dalawang kilalang personalidad dahil sa pamilya Cojuangco. Si Gretchen ay partner ng bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco, at meron silang isang anak. Si Tonyboy naman ay anak ng business magnate na si Ramon Cojuangco, na pinsan ni Corazon Cojuangco Aquino. Ang dating Presidente ng bansa ay ina ni Kris. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nicko ang dating endorser closer/talent agent/managing director ng digital company ni Kris, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Sinampahan ni Kris si Nicko ng 44 counts of qualified theft dahil sa diumano'y PHP1.2M worth of unauthorized company credit card use ng huli.

Mariing pinabulaanan ni Nicko, isang Certified Public Accountant/university lecturer/entrepreneur, ang akusasyong pinagnakawan niya si Kris dahil "business expenses" umano ang lahat ng iyon.

Ipinagtaka naman ng netizens na nakasubaybay sa isyu ang pagkampi ni Gretchen kay Nicko. Marami sa mga ito ang nagtanong kay Kris hinggil dito.

Pero noong gabi ng January 15, inihayag ni Kris sa kanyang Instagram Live na wala siyang balak patulan ang diumano'y pakikisawsaw ni Gretchen.

Narito ang kabuuang pahayag ni Kris patungkol kay Gretchen:

"You keep telling me to make pansin Ms. Gretchen Barretto. I refuse kasi she's not involved.

"She's another one na gustong sumali. What's the issue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'll name names, ha. I'm very close to Alice Eduardo. They have an issue, nadamay lang ako.

"Again, kasi, may mga taong mahilig mandamay ng ibang tao.

"But, I'll say this, to the very end of my life. Ate Alice will be considered a real ate. Sorry ate kung pati ikaw, but I had to name names. I love you."

Ito ang naging mitsa ng pag-Instagram Live ni Gretchen noong January 18 ng mga alegasyon nito kay Kris.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Gretchen Barretto posts about Kris-Nicko phone call
Gretchen Barretto posts about Kris-Nicko phone call
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN