Is Sylvia Sanchez in favor of Maine Mendoza for son Arjo Atayde?

IMAGE Noel Orsal / Photo from Instagram (Credit to owner)

Is Sylvia Sanchez (left) in favor of Maine Mendoza (right) for son Arjo Atayde? Sylvia says, "Kahit kanino sila ma-in love, okay sa akin. Di magiging issue, not unless disrepectful ang bata. Siyempre package deal yan, e."


Mula noong ma-link sa isa't isa at magsama sa pelikulang Jack Em Poy: The Puliscredibles sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, hindi lang ang aktor ang naging paboritong i-bash ng mga AlDub fans kundi maging ang buong pamilya ni Arjo, kasama na ang ina nitong si Sylvia Sanchez.

Karamihan sa mga ito ay mga masasakit na salita na mahirap balaewalain lalo't below-the-belt.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sylvia kamakailan sa tahanan nito, agad naming tinanong kung paano niya hina-handle ang mga pamba-bash sa pamilya nila.

Lahad niya, “Dedma.

“Masasakit na salita, dedma na lang.

“Ano ba ang pinakamagandang treatment sa mga ganun?

“Tumahimik ka, tahimik na lang, ngitian mo, dedmahin mo at alam mo, ipagdasal mo sila.

“Pag pinagdasal mo sila, ang maniningil hindi ikaw, yung nasa Itaas.

“Basta shut up ka na lang.

"Kung anu-ano ang mga sinasabi about us, mga below-the-belt.

“Okay lang, bahala kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kami, e.

“Kung halimbawa man na nanggagalaiti kayo diyan sa galit sa amin, e kami masaya.

“Sinong talo, di ba? Si Arjo? Dedma yun, wala lang sa kanila.

“Wala akong sinasagot.

“Pag sumagot ka rin talo ka, kasi faceless sila, e.

“Dedma na lang.”

NOT MEDDLING WITH KIDS' RELATIONSHIPS

Hiningan namin ng reaksyon si Sylvia kung masaya at boto siya kay Maine na maging girlfriend ng kanyang anak.

Pahayag niya, “Happy naman ako sa anak, actually not only Arjo, Ria—kahit sino.

“Noon pa, bata pa lang sila, sinabi ko sa kanila na kahit sino ang mamahalin nila—showbiz, non-showbiz, sikat o hindi sikat, may pera o wala—basta mahal sila at marespeto yung bata, why not?

“Saka ang gusto ko lang, alagaan at mahalin ang anak ko. Yun lang.

“Bilang nanay, gusto lang natin bilang nanay na mahalin ang mga anak natin, alagaan at mahalin.

“Yun lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di maituturo sa puso kung sino ang mamahalin ng isang tao. Titibok nang kusa yun.

“Di mo alam kung kanino.

“Kahit kanino sila ma-in love, okay sa akin.

“Di magiging issue, not unless disrepectful ang bata.

“Siyempre package deal yan, e.

“Pag minahal mo ang isang tao, mamahalin mo pati pamilya niya.

“Di ka puwedeng magkaroon ng karelasyon na kaaway ng magulang mo.”

MARICEL HEAPS PRAISES ON ARJO

Sa presscon proper ng The General's Daughter ay pinuri ni Maricel Soriano ang husay sa pag-arte ni Arjo at binigyan ito ng aktres ng rating na 10 (base sa 1-10 rating) kung galing ang pag-uusapan.

Proud na proud naman si Sylvia sa magagandang pahayag ng Diamond Star sa anak lalo't idolo niya pala si Maria.

Saad niya, “Siyempre nakakatuwa, kasi Maricel is one of my idols.

“Idol ko talaga yan nung bata pa ako.

“Nung nalaman ko, kasi nagsyu-shooting ako, di ko napanood, may nagte-text nga sa akin, may mga nagpu-forward nga ng mga videos dun sa sinabi ni Inay about kay Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ten nga ang binigay niyang rating kay Arjo bilang aktor. Natuwa ako.

“Nung narinig ko yun, parang, 'Wow!'

“Bigla akong natigilan 'tapos pumasok sa isip ko yung hinangaan ko na na nag-all praises sa anak ko at ang binigay 10.

"Natuwa lang ako kasi yung idol ko, na kasama niya ngayon, nanay niya, hinahangaan siya bilang aktor.

“So nakakatuwa yun, nakaka-proud, sobra.

“Alam natin na di nangbu-bullshit si Inay, di yun nang-e-echos.

“Nakakatuwa, puro wow lang ako, sinasabihan ko lang ang anak ko, 'Keep up the good work, anak.'

THANKFUL FOR KIDS' GOD-GIVEN TALENTS

Kung nung una ay kinikilala lamang sila Arjo at Ria bilang mga anak ni Sylvia Sanchez, ngayon ay nakagawa na ang dalawa ng sarili nilang pangalan sa showbiz.

Pinagpapasalamat naman ito nang husto ni Sylvia.

Pagpapasalamat niya, “Masaya.

“Dati ang dinasal ko lang naman sa Diyos nung pumasok sila sa showbiz, 'Lord, sana po bigyan ninyo sila ng kaunting talino sa pag-arte. Kahit kaunti, masabi lang na marunong umarte.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe ang binigay na talent ng Diyos sa kanila.

“Binigyan sila ng di kulang, buung-buo na talino sa pag-arte.

“Nakakatuwa na dati anak ni Sylvia Sanchez, sinasabihan na sila na nanay nila si Sylvia Sanchez.

“Tumatayo na sila nang sarili nila.

“Sinasabi nating madali para sa kanila ang makapasok. Madali, kasi anak ng artista.

“Well, oo, totoo yun. Nakakatulong yun pero mahirap din para sa mga anak ng artista na maging artista kasi under sila ng shadow ng mga magulang nila.”

FROM FAILURES TO VICTORIES

Binahagi din sa amin ni Sylvia na hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga anak bago nila narating ang kinatatayuan nila ngayon sa industriya.

Ilang beses din palang nakaranas ng rejection sa showbiz sina Ria at Arjo.

Pagbabalik-tanaw niya, “Si Arjo nung pumasok, pinag-audition ko.

“Nag-Ang TV pa yan, dumaan sa kung saan-saang show, sa Star Magic.

“May mga times na nate-turn down siya, nade-depress siya, napu-frustrate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, 'Nak, sige ganun lang.'

“Kahit anak ko siya, di ganun kadali na nakapasok siya, kasi nag-auditin siya, e.

“Pumasok siya sa tamang proseso, pero siyempre nakatulong pa rin na anak ni Sylvia sa totoo lang.

“Pero yung proseso...

“Sa Star Magic, ilang beses siyang na-turn down nung bata siya.

“Si Ria pumunta rin ng Star Magic.

“Nung nalaman nila na Poveda, di nila pinansin kasi bawal kasing mag-artista sa Poveda.

“Si Arjo nag-try ng mga trenta or more than pa na commercials nung bata, pero di siya natatanggap.

“Nung nakapasok siya at napatunayan naman niya na kaya niya, sabi ko, 'Relax lang, slowly lang, tiyaga-tiyaga lang kasi di naman lahat ng artista pagpasok boom na yun, e.'

“Right timing, in God's time.

“Saka sabi ko sa mga anak ko, yung mga naranasan ninyo, gawin ninyong challenge.

“Yan ang magpapatatag sa inyo.

“Saka sabi ko sa kanila, 'Wag kayong mangarap na sumikat agad. Ang pangarapin ninyo, sementuhin ninyong mabuti ang foundation ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Maging solid kayo sa foundation ninyo, bago kayo tuluyang umangat, acting.

“'Pag-aralan ninyong mabuti, seryosohin ang acting, ang craft ninyo. Galingan niyo ang bawat labas niyo. Maging professional, mapagmahal sa lahat.

“'Pakikisama, professionalism and higit sa lahat, acting.

“Ang magiging target mo niyan ay longevity. Nakakatakot ang bigla kang sikat kasi mahirap mag-maintain pag nandun ka na.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN