Ai-Ai delas Alas attests to Anne Curtis's kindness

IMAGE @msaiaidelasalas Instagram

Kapuso comedienne Ai-Ai delas Alas posts about lasting friendship with ABS-CBN actress-host Anne Curtis.


Puring-puri ni Ai-Ai delas Alas si Anne Curtis dahil sa kabila ng tagumpay ng huli ay hindi pa rin daw ito nagbabago.

Sa kanyang Instagram account nitong Linggo, January 20, nag-post ng pasasalamat ang 54-year-old Kapuso comedienne para sa 33-year-old Kapamilya actress-host.

Pinagbigyan daw kasi ni Anne ang request ni Ai-Ai na magkaroon ng cameo role ang It's Showtime host sa upcoming movie niya.

“Thank you baby girl @annecurtissmith .. as always hindi mo ako nakalimutan ang aking anak sa dyesebel .. na madami ng narating ay mabait na anak padin ..” pahayag ni Ai-Ai.

Gumanap si Ai-Ai na adoptive mother ni Anne sa Kapamilya telefantasya na Dyesebel noong 2014.

Bago ito ay gumanap din silang mag-ina sa 2007 comedy movie na Ang Cute ng Ina Mo.

Noong 2015—isang taon pagkatapos ng Dyesebel—bumalik si Ai-Ai sa bakuran ng GMA Network pagkatapos ng 15 taon sa ABS-CBN.

Lahad pa ni Ai-Ai sa kanyang IG post, isang mabuting anak din si Anne na todo ang pagkayod noon para ibili ng bahay ang kanyang ina sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“sabagay mabait naman talagang anak to naalala ko dati binili nya ang mommy nya ng house sa australia kaya super work sya.”

Dagdag pa niya, “salamat sa pag cameo sa sons GOD BLESS YOU BEBE GIRL at sana mag ka apo nako sayo hehe”

Nag-comment naman si Anne at sinabing mananatili siyang anak-anakan ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN