Khalil Ramos on duration of relationship with Gabbi Garcia: "Approaching two years na yata."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Khalil Ramos (left) explains why he and girlfriend Gabbi Garcia (right) are perfect for each other: "We're very similar, but we're very different also."


Wala raw isyu kung mula sa magkalabang networks si Khalil Ramos, 22, at girlfriend nitong si Gabbi Garcia, 20.

Si Khalil ay mula sa bakuran ng ABS-CBN, samantalang si Gabbi ay mula naman sa GMA-7.

“It’s funny 'coz never naging problem sa amin yun, na magkahiwalay kami ng network,” sabi ni Khalil.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng press si Khalil sa press conference ng kanyang upcoming movie na Dead Kids, mula sa Globe Studios, nitong January 21, Lunes.

Sabi pa ni Khalil tungkol sa relasyon nila ni Gabbi, “If anything, mas naging advantage nga sa amin yun, e.

“Hindi kami nagkikita araw-araw. We don’t share the same road managers. Totally separate talaga.

“Pero relatively still same. We’re from the same industry.

“We’ve worked with [same] producers and film directors [separately], so hindi siya naging malaking challenge sa amin.

“A lot of people yun ang unang tanong, e, ‘Ha? Paano yun, taga-GMA siya, ikaw taga-ABS?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman, e.  Our relationship was established out of the limelight, out of TV.”

Kadalasan daw kasi sa mga showbiz couple, nauuna ang love team bago ang personal relationship.

Baliktad naman ang kina Khalil at Gabbi.

“We were introduced by a common friend. May friendship na nauna.

“We are thankful for that na hindi siya based on work, di ba?”

Inusisa ng PEP.ph si Khalil kung gaano na katagal ang kanilang relasyon nila ni Gabbi.

“Officially, unofficially… ahhh, more than a year now. Approaching two years na yata,” sagot niya.

WHAT MAKES THEM CLICK

Bakit click sila sa isa't isa?

Sagot ni Khalil, “We’re very similar, but we’re very different also.

“What makes us click is that we’re both independent. And we’re both leaders.

"And that’s what makes us clash also, ‘coz we’re both leaders.

“Pero si Gabbi is such a strong and independent woman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw sila clingy sa isa’t isa.

“Actually, kami, we don’t really depend on each other.

“Kumbaga, no one is under anyone. Pantay kami.

“Like, for example, I flew to the U.S. for a month.

"We didn’t see each other during the Holidays, nung Christmas, nung New Year.

"She was with her family. I was in the U.S., then I went to Japan. Pero it was okay.

“We appreciated pa nga kasi we were able to spend time with our family, also alone.

“Kasi it’s true, yes, you have a partner, pero whenever you’re with yourself, marami ka pa ring matututunan and we don’t wanna hinder ourselves from experiencing that.”

May plano rin daw si Khalil mag-aral sa ibang bansa sa susunod na taon, at suportado ito ni Gabbi.

“Also, in terms of work, kasi I have plans in 2020 to go to school in the U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s our agreement na, 'You do what you wanna do with your life. Magkakampi lang tayo.'"

QUALITY PROJECTS

Pagdating sa acting projects, mas pinagbubutihan daw ni Khalil ang pagpili ng magagandang pelikula.

“My mindset now as an actor is make stories my king.

"Whenever I receive scripts, I see to it that it’s a story that has a voice at yung urge na I need to be part of this.”

Gusto raw niyang makagawa ng mga proyektong may tama sa mga manonood.

Noong 2016, nominated for Best Actor si Khalil sa Cinema One Originals Film Fest at Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten.

Samantala, ang upcoming movie ni Khalil na Dead Kids ay tungkol sa mga estudyante mula sa isang exclusive school.

Ito ay bahagyang hango sa totoong pangyayari, kung saan ang isang estudyante ay kinidnap ng kanyang mga kaklase.

Ito ay suspense na may halong comedy, romance, action, pagka-sexy, at trending topics sa kasalukuyang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagbibidahan din ito nina Sue Ramirez, Markus Paterson, Vance Larena, Kelvin Miranda, Jan Silverio, at Gabby Padilla.

Ang Dead Kids ay idinirek ni Mikhail Red, na nakilala sa 2016 movie Birdshot na nanalo ng Critics’ Choice Award sa Pista ng Pelikulang Pilipino.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN