Gretchen Barretto claims Kris Aquino "behind the scenes...is acting and scheming to kill me"

IMAGE @rbchanco / @juansarte Instagram

Gretchen Barretto on Kris Aquino: "She and her lawyers pretend in public they're not after me but behind the scenes, 150/arte is acting and scheming to kill me."


May sagot si Gretchen Barretto sa official statement ng mga abugado ni Kris Aquino. 

Sinabi ng Divina Law na hindi kailanman nakialam ang kanilang kliyente sa tax problems ng businesswoman na si Alice Eduardo.

Lunes ng gabi, January 21, ipinost ni Gretchen sa kanyang Instagram ang official statement ng Divina Law na may heading na "SOCIAL MEDIA USERS' MALICIOUS ALLEGATIONS AGAINST MS. KRIS AQUINO."

Kapansin-pansing nakabilog ang bahaging ito ng statement: "Eduardo in any pending case."

Sa kanyang caption, nanindigan si Gretchen na namagitan si Kris para ayusin ang tax case ni Alice.

Tinawag ni Gretchen si Kris na "Queen of All Fixers."

Pahayag ni Gretchen: "Want to see a classic example of a non-denial denial?

"Notice how shrewd and deceptive her divine lawyers are by qualifying that the Queen of All Fixers did not intervene for Aliceinwonderland in any PENDING tax case.

"Obviously, the sawsaw tax case happened during Miss Henares’ stint as BIR Commissioner, who also happens to be currently the Queen of All Fixer’s personal accountant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang "Miss Henares" na tinutukoy ni Gretchen ay si Kim Henares, ang commissioner ng Bureau of Internal Revenue noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Si PNoy, ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Kris, ay nanungkulan mula 2010-2016.

GRETCHEN: KRIS PRETENDS SHE'S NOT AFTER ME

Naging vocal si Gretchen sa mga patutsada niya kay Kris, at kahit hindi siya pinapatulan nang diretsahan ni Kris ay patuloy pa rin si Gretchen sa pang-iinis dito.

Ngunit sa panibagong Instagram post ni Gretchen, sinabi nitong hindi totoong hindi siya pinagplaplanuhan ni Kris.

Nakarating daw sa kanya ang balitang may banta si Kris na sasampahan siya ng kaso. 

Mas mabigat pa roon, gusto rin daw wasakin ni Kris ang pagkatao ni Gretchen sa publiko.

Para magawa ito, humingi na raw si Kris ng tulong sa mga magulang ni Gretchen, na sina Mike at Inday Barretto, sa pamamagitan ng nakababatang kapatid ng aktres na si Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang may alitan sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang at maging ng mga kapatid niyang sina Claudine at Marjorie.

Saad ni Gretchen: "And what’s this I heard from inside her camp?

"She called up Claudine to tell my parents that she will file a case against me & put me to jail and asked them for help in destroying me."

Patutsada niya kay Kris: "What is this, a tag team wrestling match? Can’t a 'Queen' handle it herself?

"She and her lawyers pretend in public they’re not after me but behind the scenes, 150/arte is acting and scheming to kill me."

Sabi pa ni Gretchen, na partner ng kamag-anak ni Kris na si Tonyboy Cojuangco: "At least si Nicko, she said 'ipapapatay ka ng pamilya ko.' With me, she wants 'ipapapatay ka ng pamilya MO.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And of course ARTEcaria Queen couldn’t help to look in the mirror and say she was previously a number one taxpayer.

"But why should we care about that when you helped fix Aliceinwonderland Eduardo hefty amount of taxes?"

Ang "Nicko" na tinutukoy ni Gretchen ay si Nicko Falcis, ang dating business manager ni Kris na sinampahan nito ng reklamong qualified theft at nagsabing pinagbantaan siya ni Kris na ipapapatay ng pamilya Aquino.

Kalaunan, inamin ni Kris na pinagbantaan nga niya ang buhay ni Nicko, ngunit sinabi rin nitong hindi naman admissible sa korte ang message na recorded nang walang paalam sa kausap.

Deleted na ang huli sa kanyang posts, at ang pumalit ay ang paggiit nitong isa lamang iyong "bluff."

Hindi raw siya ang klase na papatay ng tao, dahil alam niya ang mamatayan ng ama. Si Ninoy Aquino, ama ni Kris, ay pinaslang sa kapanahunan ni President Ferdinand Marcos.

Nag-apologize din si Kris sa kanyang pamilya sa pagkakadamay sa kanila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Want to see a classic example of a non-denial denial? Notice how shrewd and deceptive her divine lawyers are by qualifying that the Queen of All Fixers did not intervene for Aliceinwonderland in any PENDING tax case. Obviously, the sawsaw tax case happened during Miss Henares’ stint as BIR Commissioner, who also happens to be currently the Queen of All Fixer’s personal accountant. And what’s this I heard from inside her camp? She called up Claudine to tell my parents that she will file a case against me & put me to jail and asked them for help in destroying me. What is this, a tag team wrestling match? Can’t a “Queen” handle it herself? At least si Nicko, she said “ipapapatay Kita sa pamilya Ko. With me, she wants “ipapapatay kita sa pamilya MO ????And of course ARTEcaria Queen couldn’t help to look in the mirror and say she was previously a number one taxpayer. But why should we care about that when you helped fix Aliceinwonderland Eduardo hefty amount of taxes? ???? ????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on


Stories We Are Tracking

Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto
Gretchen Barretto mimics Kris Aquino threat to Nicko Falcis
Gretchen Barretto mimics Kris Aquino threat to Nicko Falcis


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close