Sue Ramirez recounts how she fought back netizen who harassed, bullied her

IMAGE Noel Orsal

Sue Ramirez relates how she called out basher for harassing her online, who eventually apologized to her.


Idinetalye ni Sue Ramirez, 22, kung paano tumigil ang isang netizen sa pangha-harass at pambu-bully sa kanya online bago matapos ang 2018.

December 20, 2018, ipinost ng ABS-CBN actress sa Twitter ang screenshots ng tweets sa kanya ng isang netizen taglay ang mga name-calling at paratang sa kanya.

Kabilang dito ang panlalait ng netizen sa hitsura ng aktres, pagtawag na “walang career,” at “GRO.”

Kalakip ng screenshots ay ang sagot ni Sue sa netizen.

Binalaan niya ang netizen na nagpaplano siyang ireklamo ito dahil sa harassment at cyber bullying.

“I think fan siya ng isang artista, ayoko nang sabihin kung sino,” sabi ni Sue sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng media sa press conference ng upcoming movie na Dead Kids, noong January 21, Lunes.

“Siyempre, kahit kaming mga artista naman, sasabihin lang namin hindi kami bothered, pero sa totoo lang naaapektuhan kami talaga.

“Naaapektuhan kami hindi sa sinasabi nila, naaapektuhan kami kung bakit ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung bakit may mga tao na galit na galit sa amin, kahit hindi naman kami lubusang kilala; kahit hindi naman kami nami-meet pa; paano ako nag-create ng ganong anger sa isang tao.”

Tinawag ni Sue na “walang basis” ang mga paratang sa kanya ng netizen.

“Hindi na siya magandang tingnan sa mga comments na lagi siyang nandun.

“Kapag may nag-comment na ibang artista, magko-comment siya, ‘Ay, gusto pa naman sana kita, kaso friend mo pala si ganyan,’ may mga ganyan na siya.

"Sabi ko, hindi na siya tama.

“Una, paninirang puri na siya dahil may mga sinasabi siya dun na wala namang katotohanan.”

Nakita raw ni Sue sa profile ng basher na isa itong ina sa dalawang bata.

“So, sabi ko, ‘I hope yung mga kids mo, paglaki nila, hindi sila mag-hope na makasakit ng ibang tao kagaya ng ginagawa mo.’

“Andaming tao ngayon na sobrang sarado na yung pag-iisip na kung ano ang gusto nilang sabihin, wala na silang pakialam kung ano ang mararamdaman ng mga taong inaaway nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang artista, inalam daw ni Sue ang kanyang mga karapatan pagdating sa bullying at online harassment.

“Pero so far, wala akong nakikitang anyone na may ginagawa about it.

“Dapat ang gagawin ko, ididiretso ko na siya sa NBI [National Bureau of Investigation], pero buti nung araw na yun, nasa Dubai ako.

“Winarningan ko na lang siya baka pag di siya tumigil, magpa-file talaga po ako ng kaso.”  

Dugtong ng Kapamilya actress, kaya niyang palampasin ang isa o dalawang beses na bashing, pero lumabis daw ang naturang basher.

“Pero yung halos lahat ng pictures andiyan ka, hina-harass mo talaga ako, gusto mo talaga akong inisin, eto na, nainis mo na ako.

“So, nag-take action ako against it na winarningan ko siya, so yun na po 'yon.

“Nag-message siya, I think, na nagso-sorry siya.”  


Stories We Are Tracking

Sue fights back against basher's bullying online
Sue fights back against basher's bullying online

Samantala, may kaugnayan naman sa karansan ni Sue ang Dead Kids dahil hango ito sa totoong buhay, kabilang na rito ang harassment at bullying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa scriptwriter na si Nikolas Red, “Maraming scenes sa film were also influenced by certain recent events you might have heard online, na mga nag-trend.”

Pinagbibidahan din ito nina Khalil Ramos, Markus Paterson, Vance Larena, Kelvin Miranda, Jan Silverio, at Gabby Padilla.

Ang Dead Kids ay ididirek ni Mikhail Red, na nakilala sa 2016 movie na Birdshot, na nanalo ng Critics’ Choice Award sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN