Kris Aquino on doing a TV show again: "GAME ako."

IMAGE Noel Orsal

If given a chance, Kris Aquino prefers a weekly one-hour live show since she's "not yet healthy enough to tape long hours."


Mukhang nami-miss na ni Kris Aquino ang pagkakaroon ng TV show.

Kagabi, January 21, nag-post si Kris sa Instagram ng video habang nanonood sila ng anak na si Bimby Yap ng pilot episode ng The General’s Daughter, ang ABS-CBN primetime series na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

View this post on Instagram

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Sa comments section, may nagtanong na follower tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Kris.

Ayon sa netizen na si @realrhenamagbanua, “Miss @krisaquino balik kna abs po please miss kna namin”

Kaagad namang tumugon si Kris sa kanyang mensahe.

Sabi ni Kris, maaaring kulitin ng netizen at iba pa ang ABS-CBN o GMA-7 upang bigyan siya ng show.

Pero kung maaari raw sana ay "once a week & LIVE" ang programang ibigay sa kanya.

Ito ay dahil hindi pa raw kaya ng kanyang katawan na sumabak sa mahabang oras ng taping.

Ito ang kabuuang sagot ni Kris: “@realrhenamagbanua your account looks real.

“Thank you… you & others can make @abscbn or @gmanetwork kulit…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GAME ako. But once a week & LIVE sana (not yet healthy enough to tape long hours), 1 hour only & preferably on a weekend… or suggestion lang naman.”

Nilisan ni Kris ang ABS-CBN noong March 2016 pagkatapos ng 20 taon.

Ang huling regular show niya ay ang talk show na Kris TV noon ding 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN