Nicko Falcis hits Kris Aquino for trivializing her threat to his life

IMAGE Rachelle Siazon / Noel Orsal

Nicko Falcis says Kris Aquino trivializing her grave threat to him: "A death threat is a death threat and should never be taken lightly. Saying it was a bluff is your QUICK FIX to everything."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Naninindigan si Nicko Falcis na pinagbantaan ni Kris Aquino ang kanyang buhay.

Taliwas ito sa pahayag ni Kris na "bluff" lamang ang sinabi niyang "ipapapatay" si Nicko ng pamilya Aquino sa oras na bumalik ito ng Pilipinas.

Kaugnay ito ng controversial phone call sa pagitan nina Kris at Nicko noong September 27, 2018. 

Nasa Thailand noon si Nicko, habang nasa Pilipinas naman si Kris.

Noong January 14, 2019, kumalat sa social media ang audio recording ng phone call, kung saan maririnig ang pagbabanta ni Kris kay Nicko.

Bahagi nang tinuran ni Kris: "GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD!"

Ang paggamit ng malalaking titik ay base sa official statement ni Nicko na nailathala sa PEP.ph noong January 4.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis
Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life

Sa kanyang Instagram post ng Martes, January 22, iginiit din ni Nicko na simula't sapul ay si Kris ang nag-utos sa kanyang magtungo sa ibang bansa.

Hindi raw niya akalaing gagamitin ito ni Kris upang madiin siya nang sampahan siya ni Kris ng reklamong pagnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Nicko: "A death threat is a death threat and should never be taken lightly. Saying it was a bluff is your QUICK FIX to everything.

"You said it yourself when you filed cyber-libel against my brother, 'Isn’t it logical to assume that the 'resbak' will be major? Because it’s the sole member carrying the last name who is keeping the legacy alive that came under attack.'

"You premeditated everything. You told me to go abroad and when I did, threatened me to not to dare step in this country or I will be dead.

"It was all apparently part of your script to project my absence as 'flight is guilt' and you harassed me for four months to play along — but I REFUSED."

October 12, 2018 nang pormal na sampahan ni Kris ng reklamong 44 counts of qualified theft si Nicko.

Ihinain ito ng mga abugado ni Kris sa Office of The Prosecutor sa pitong siyudad sa Metro Manila—Quezon City, Mandaluyong, Makati, Manila, San Juan, Taguig, at Pasig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ng entertainment reporters kay Kris noong November 15, 2018, sinabi nitong bukas siya sa posibilidad na magkaayos sila ni Nicko basta harapin siya nito.

Sabi noon ni Kris patungkol kay Nicko: "Kaya nga kaya kong sabihin, 'Kaya kitang patawarin.

"'Pero magpakita ka naman sa akin.

"'Na you’re at least trying to meet me halfway because I’ve done more than my share.'"


Stories We Are Tracking

Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"
Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities
Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities

Giit naman ni Nicko, palabas lang ni Kris na kunwari'y handa itong makipag-usap sa kanya nang maayos.

Bukod sa tahasang pagbabanta sa buhay niya, pailalim umano ang actress/TV host/web star sa panggigipit sa kaniya. 

Pagsisiwalat ni Nicko sa kanyang IG post, "I will never forget that you instructed your lawyers for my mom to ask for forgiveness because you got hurt that I am leaving you and KCAP — but she REFUSED.

"I will never forget how you bullied my friends, stakeholders and project managers to portray yourself as the victim, threatened them that they will be collateral damages — but they REFUSED."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Falcis calls Kris complaint
Falcis calls Kris complaint "false, baseless and malicious"
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions

Kinontra rin ni Nicko ang pahayag ni Kris sa Instagram Live nito noong January 15, 2019.

Pagpaparatang noon ni Kris kay Nicko: "You stole my money. It's not enough for you. You also stole my life."

Wala raw katotohanan ang mga akusasyong ito ni Kris.

Buwelta pa ni Nicko sa kanyang IG post: "You have a serious mental problem.

"I did not steal anything from you, it was you who stole my reputation, my freedom, and my relationships." 

Ayon pa kay Nicko, laging ginagamit ni Kris ang health condition nito upang kontrolin ang isang sitwasyon nang umayon ito sa kagustuhan ng web star.

Tulad umano nang pagbanggit ni Kris sa kanyang Instagram Live na wala itong balak kumandidato sa 2022 elections dahil "I'm not healthy enough."

Kontra-pahayag ni Nicko: "PS: We both know you want to run in 2022 because it’s your so-called destiny.

"After the sickness drama, you’re back to being healthy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You just needed an excuse for missing a lot of your work last year."

TEXT MESSAGES FROM KRIS?

Ang tinutukoy ni Nicko ay ang multi-million endorsements ni Kris na may kalakip na commitments, na bagamat naka-iskedyul ay gusto raw nitong takasan. 

Kasabay nito ay ipinakita ni Nicko ang dalawang screenshots ng text messages na tila nanggaling kay Kris.

Ang unang screenshot ay tungkol sa plano ni Kris lumipad patungong Hawaii para magbakasyon kasama ng dalawang anak.

Nabanggit din dito, na para sa "official statement" na magpapaliwanag ng pag-alis niya, gusto ni Kris gamitin ang pagkakaroon niya ng "adult onset asthma" sanhi ng "severe allergic reactions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ikalawang screenshot na ipinakita ni Nicko ay may kinalaman sa saloobin ni Kris sa estado ng showbiz career nito.

Nagpahiwatig dito si Kris na "February 14, 2021" ang itinakda nitong "finish line" sa todong pagkayod sa trabaho.

February 14 ang birthday ni Kris, at ang taong 2022 naman ang taong sinasabi ni Nicko na papasok si Kris sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NICKO TO KRIS: FIX YOUR LIFE FIRST

Sa huli, iginiit ni Nicko na walang karapatan si Kris ibunton sa kanya ang anumang masasalimuot na pinagdadaanan nito sa buhay.

Sabi sa quote card na ibinahagi ni Nicko, "You can't fix yourself by breaking someone else."

Hindi raw basta hahayaan ni Nicko na sirain ni Kris ang kanyang reputasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you will not be successful because the public has now seen your attempted robbery.

"Try FIXING your life first before FIXING for others!"

Pormal na nagsampa ng reklamong grave threat si Nicko laban kay Kris noong January 18, 2019.

KRIS CAMP: THREAT NOT SERIOUS, NO UNREASONABLE DEMANDS

Sa kabilang banda, kinuwestiyon ng kampo ni Kris ang timing ni Nicko nang pagsiwalat sa banta sa buhay nito.

Sabi ng legal counsel ni Kris na si Atty. Enrique dela Cruz ng Divina Law Office: "Nicko himself took the death threats lightly. It took him four months to file a formal complaint—which is obviously a mere afterthought."

Taliwas sa pahayag ni Nicko, pinabulaanan din ng abugado ni Kris na sapilitang hiningan ni Kris ng public apology ang ina ni Nicko.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Nicko na hindi pumapayag ang kanyang kampo na makipag-ayos kay Kris dahil sa "unreasonable demands" ng actress/TV host/web star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Atty. dela Cruz, "I was the one who communicated with Nicko's lawyer. There was no such demand."

Wala rin daw katotohanang nam-bully si Kris ng mga kakilala ni Nicko upang sapilitang kumampi ang mga ito kay Kris.

Balik-tanong ni Atty. dela Cruz, "Who did Kris bully? Why are they not complaining?"

Base ito sa pakikipagpalitan ng text messages ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. De la Cruz, kahapon, Martes, January 22.

Noong January 15, una nang pinabulaanan ni Atty. dela Cruz na sinampahan ng kanyang kliyente ng 44 counts of qualified theft si Nicko upang sapilitang itong pasunurin sa kagustuhan ng kanyang kliyente.

"Nicko also says he was sued to coerce him to follow unreasonable demands.

"I wonder what were those supposedly unreasonable demands?

"Because as far as I recall, Ms. Kris was asking Nicko to repay the unauthorised credit card charges he incurred and to account for the P40M investment that Ms. Kris entrusted to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How are those demands unreasonable?"

KRIS SAID, NICKO SAID

Kinagabihan ng January 15, naganap ang Instagram Live ni Kris kung saan idinetalye nito ang tungkol sa kanyang PHP40M investment na ipinagkatiwala at ipinangalan niya kay Nicko.

Tumanggi raw si Nicko na mailipat sa pangalan ng dalawang anak ni Kris ang investment na iyon.

Sa Instagram post naman ni Nicko noong araw ding iyon, sinabi nitong hindi niya pinagnakawan si Kris mapa sa credit card purchases o mapa sa usaping investment.

Giit ng accountant/brand marketing expert, ang lahat ng investment na ipinagkatiwala sa kanya ni Kris ay "all intact and running" hanggang sa kasalukuyan.


Stories We Are Tracking

Nicko chafes at Kris saying his family is pawn to powers
Nicko chafes at Kris saying his family is pawn to powers
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN