Ria Atayde sees no problem with Maine Mendoza becoming Arjo's girlfriend

IMAGE Noel Orsal / Instagram (inset)

Ria Atayde (inset) turns emotional when asked about accusations that her brother, Arjo Atayde (right), is now more popular because of Maine Mendoza (left).


Kinumpirma ni Ria Atayde, 26, na ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng kapatid na si Arjo Atayde, 28, ay dahil kay Maine Mendoza, 23.

“Yeah,” maiksing tugon ni Ria sa tanong ni Boy Abunda kung si Maine ba ang malaking dahilan kung bakit masaya ngayon si Arjo.

Pero dugtong niya, “I don’t know... It’s not kasi my story to tell and right now, as far as I know, they’re really getting to know each other still and they’re friends.”

Nagsalita ang Kapamilya actress sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong Lunes, January 21.

Sinabi rin ni Ria na na-meet na niya si Maine.

Ano ang masasabi niya sa phenomenal star ng Eat Bulaga!?

“I like her. She’s very real.”

Pabor ba siya kung sakaling maging girlfriend ni Arjo si Maine?

“I see no problem with that,” sagot ni Ria.

Nitong Martes ng gabi, January 22, kinumpirma na ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Arjo Atayde, inaming exclusively dating sila ni Maine Mendoza

USER ALLEGATION

Naging emosyunal naman si Ria sa mga bintang na namamayagpag ngayon ang showbiz career ni Arjo dahil sa pagkaka-link niya kay Maine.

“A lot of people sinasabi that his successes now have to do with her,” pagtukoy ni Ria kina Arjo at Maine.

“And I think that’s so unfair.

“He’s worked so hard to get where he is and to discredit his work, wow, ha! Not fair at all.”

Nagsalita rin si Ria tungkol sa mga hindi pabor sa pagkakamabutihan nina Maine at Arjo.

“Of course, at the end of the day, I keep saying, it’s their lives.  

"I mean, I get that we’re public figures, but let us own our lives naman, di ba, especially with him.”

Kamakailan ay sinagot ni Maine via Twitter ang isang netizen na inakusahang ginagamit lang siya ng magkapatid na Arjo at Ria para umangat ang mga showbiz career nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatanggol ni Maine, nabibigyan ng projects ang magkapatid dahil sa kanilang talento. 

Nakiusap din si Maine na irespeto ang pamilya ni Arjo.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza defends Arjo, Ria Atayde against accusers
Maine Mendoza defends Arjo, Ria Atayde against accusers

Nagsimulang ma-link sina Maine at Arjo noong October 11, 2018, nang makita silang magkasama sa isang restaurant sa Makati City.

Sinundan pa ito ng sighting ng dalawa sa bar at concerts.

November naman nang mapaulat na magkasama umano ang dalawa sa Bali, Indonesia.


Stories We Are Tracking

Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN