Coco Martin grants simple wish of a child with rare skin disease

IMAGE Courtesy: @realedumanzano on Instagram

Coco Martin takes a break from Ang Probinsyano taping to grant the wish of a child with rare skin disease to personally meet him.


Pinagbigyan ng Ang Probinsyano star na si Coco Martin ang hiling ng isang batang may di pangkaraniwang sakit sa balat.

Kahapon, January 22, ibinahagi ng co-star ni Coco sa teleserye na si Edu Manzano sa Instagram ang magandang gesture na ito ng actor/director/producer.

Sabi ni Edu sa caption, "Earlier this month, nakatanggap ako ng sulat from the parents of a child named Miracael Macavinta, who is suffering from a rare skin disease called Epidermolysis bullosa.

"The letter was coursed through the office of Vice Mayor Janella Estrada.

"Tanging hiling niya lang ay ma-meet ang kanyang idol na si Coco Martin and recently, we made that happen!

"Maraming salamat @mr.cocomartin for giving joy to this brave child! You are truly a blessing to many. #fpjap #angprobinsyano"

Ang Epidermolysis Bullosa, ayon sa www.webmd.com, ay isang kakaibang sakit sa balat kung saan ito ay "genetic" o namamana.

Dagdag pa sa nasabing site, "Epidermolysis bullosa is a rare genetic condition that makes skin so fragile that it can tear or blister at the slightest touch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Children born with it are often called 'Butterfly Children' because their skin seems as fragile as a butterfly wing."

Sa ilan pang larawan, makikitang karga-karga nina Edu at Coco ang bata:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @realedumanzano on Instagram
 IMAGE Courtesy: @realedumanzano on Instagram


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN