Enchong Dee clarifies past news about running for public office

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee on joining politics: "Parang pakiramdam ko, mas marami akong matutulungan kahit wala ako sa pulitika. At least, alam kong sariling pera ko ang ginagastos ko. Yun na lang siguro, susuporta ako sa mga kandidato na alam kong matino and maganda ang mga proyekto para sa Pilipinas."


Tahasang itinanggi ni Enchong Dee na may plano siya noong pumasok sa politika.

Nabalita kasing tatakbo siya sa kanyang hometown sa Naga City, pero walang Enchong na nag-file ng kanyang candidacy.

Kaya marami ang naging curious kung umatras ba siya sa kanyang plano.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa grand presscon ng pelikulang Elise ng Regal Entertainment Inc., noong nakaraang linggo, nagpaliwanag siya tungkol dito.

Pahayag ng 29-year-old Kapamilya actor na halos mapasigaw, “No! No! No!

“Alam mo, I was in Sweden, may nagtatanong kung sino sa mga artista ng ABS-CBN ang tatakbo for this coming elections.

“It was a joke. It was all a joke within our Star Magic family.

“Not knowing, na after ko palang mag-joke, sinabi na ng Star Magic sa News and Current Affairs na tatakbo ako.

“Sabi ko, ‘No! No! No!’

“So, parang I would encounter na people from ABS na sinasabi na, ‘Sayang hindi natuloy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, I’m sorry. It was a joke.”

Wala ba talaga siyang tumakbo for any government position?

Sagot ni Enchong, “No! No!

“Gusto ko tahimik ang buhay ko.

“Parang pakiramdam ko, mas marami akong matutulungan kahit wala ako sa pulitika.

“At least, alam kong sariling pera ko ang ginagastos ko.

“Yun na lang siguro, susuporta ako sa mga kandidato na alam kong matino and maganda ang mga proyekto para sa Pilipinas.”

Hindi rin daw nakasisiguro si Enchong kung may plano siya sa susunod na taon, pero open naman siya sa possibilities.

JELLYFISH INCIDENT

Samantala, kinumusta ng PEP.ph ang kalagayan ni Enchong matapos siyang dapuan at kagatin ng jellyfish sa pangalawang pagkakataon.

Una siyang kinagat ng jellyfish nang sumali siya sa triathlon sa Lapu-Lapu City noong 2018.

Ang pangalawa ay naganap sa Mariveles, Bataan, nito lamang buwan ng Enero.

Saad ni Enchong, “Wala, bakasyon lang kasama ang mga kaibigan nang mangyari [ulit] sa Mariveles, Bataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, dobleng ingat lang, kasi kahit marunong kang lumangoy, hindi mo alam ano ang creatures sa ilalim, e.

“Lumalangoy lang ako, ‘tapos may naramdaman ako, hindi ko alam na grabe pa yung ano sa akin.

“Pero patuloy ko siyang ginagamot. Gamot-gamot lang para hindi siya magmarka.

“Hindi ko nakita, pero naramdaman ko siyang dumaan, kaya nang dumating ako sa yate, ligo kaagad.

“Hindi na ako pumunta sa hospital, kasi akala ko, konting mark lang.

“Kinabukasan na siya umano, as in grabe, at nakaangat pa sa balat.”

Recovering na rin daw siya ngayon, at nakakapag-promote pa siya ng pelikulang pinagsamahan nila ni Janine Gutierrez na ipalalabas sa February 6.


Stories We Are Tracking

Enchong Dee stung by jellyfish in Bataan
Enchong Dee stung by jellyfish in Bataan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN