Ai-Ai delas Alas slightly edited bikini photos get mixed reactions

IMAGE @msaiaidelasalas Instagram

Ai-Ai delas Alas admits that the bikini photos she posted on Instagram are slightly edited. Netizens react.


Umani ng magkakahalong reaksiyon ang bikini photos ni Ai-Ai delas Alas, 54.

May mga natuwa, may mga na-inspire, at mayroong ding nilait siya.

Ipinost ng Kapuso actress-host ang kanyang bikini photos sa Instagram nitong January 22, Martes.

Kung pagbabasehan ang caption, katuwaan lang ang pagpu-post ni Ai-Ai ng kanyang mga larawang naka-bikini.

Biro pa ng Comedy Queen, nakikipagsabayan siya sa Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez o J.Lo.

Inamin naman ni Ai-Ai na may kaunting edit siyang ginawa sa mga ipinost na larawan.

“Eto ang totoo jlo -- gusto ko mag usap na tayo ng personal pareho na tayong walang edit (ay meron pala binura ko onte ang stretch marks ko hehe) dito te ... usap tayo agad agad hahaha” sabi niya sa caption.

CELEBRITIES REACT

Nakatanggap naman ng papuri si Ai-Ai mula sa kanyang showbiz friends.

Sa comments section, kabilang sa mga artistang pumuri sa kanya ay sina Erik Santos, Aiko Melendez, Kakai Bautista, Martin Nievera, Valeen Montenegro, at Gladys Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HUSBAND, CHILDREN REACT

Nagbiro rin sa comments section ang mister ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan.

Supportive din ang kanyang anak na babae na si Sophia.

Nagulat naman ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho sa ipinost ng ina.

Reaksiyon ni Ai-Ai, gusto niyang magawa ang pagtu-two-piece habang may panahon pa siya.

Sagot niya sa anak: “Tinotodo ko na nak sa 2020 alam mo na wala na nganga para may remembrance ako sa sarili ko haha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BASHERS AND SUPPORTERS

Hindi naman pinalampas ng bashers ang pagkakataong laitin si Ai-Ai.

Anila, sumobra naman daw ang pag-e-edit o pag-Photoshop sa mga larawan.

Pinaratangan pa siyang hindi nagpapakatotoo.

Ngunit mayroon namang netizens na pinuri si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FITSPIRATION

Ang iba naman, hinangaan nila si Ai-Ai dahil sa kanyang photos.

Kinabiliban nila ang aktres at itinuturing na “fitspiration” dahil sa pangangalaga sa kanyang katawan sa kabila ng kanyang edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN