Jake Ejercito responds to netizen's sarcastic comment about his dad, Mayor Joseph Estrada

IMAGE Facebook (Jake Ejercito)

Jake Ejercito sarcastically responds to a netizen who complained about the heavy traffic in Manila and sarcastically referred to Jake's father, Manila Mayor Joseph Estrada, as "best mayor in the world." 


Inalmahan ni Jake Ejercito, 28, ang isang netizen na isinisisi ang matinding trapiko sa Maynila kay Manila Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Si Jake ay isa sa tatlong anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Noong January 15, nag-tweet ang isang netizen na halatang hindi natutuwa sa malubhang trapiko sa isang lugar sa Maynila.

Sarkastiko ang tono ng tweet ng netizen.

Ayon sa netizen, ang dahilan ng matinding trapiko sa Pier, Maynila, ay ang “disciplined” truck drivers.

Dagdag nito, "Hands up to 'best' mayor in the world."

Malinaw na ang pinatututsadahan ng netizen ay si Erap.

Naka-tag pa mismo sa tweet sina Erap at Jake.

Buong tweet ng netizen: “You leave early so you can go to work early & without hassle. But then in Manila (Pier) you get stuck because of these super ‘Disciplined’ truck drivers. Hands up to the ‘best’ mayor in the world. [vomiting, face palm emojis]@PresidentErap @unoemilio”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito pinalampas ni Jake.

Aniya, tinukoy na ng netizen ang sanhi ng trapiko: ang “disciplined” truck drivers.

Sarkastiko rin ang sagot ni Jake.

Pag-alma ng binata, bakit hindi rin isisi sa ama ang iba pang isyu, kahit wala itong kinalaman sa kanya—ang init ng panahon, ang isyu ng pag-exit ng United Kingdom sa European Union, at pati na rin ang pagkakasakit ni Kris Aquino.

Buwelta ni Jake: “You already said it. ‘Super ‘disciplined’ truck drivers.’ Why don’t you blame the mayor for the scorching January heat, failure of Brexit, and Kris Aquino’s sickness too? Sheesh”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sumunod pang comments ang netizen.

Aniya, tipikal daw ang ginawang sagot ni Jake.

Nakisali rin ang isa pang netizen na sinabing hindi “blaming” ang ipinararating dito, kundi ang “accountability” ng mayor na rumesponde sa concerns ng mga mamamayan.

Inamin naman ng naunang netizen na naging sarkastiko siya dahil sa frustration.

Sabi naman ng pangalawang netizen, ginagamit nila ang social media upang ilabas ang kanilang hinaing sa kinauukulan at mabigyan ng solusyon.

Hindi na tumugon si Jake sa mga sumunod na comments ng netizens.

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN