Xian Lim opens up about being a victim of bullying: "I was a scared kid."

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim says he learned to play basketball to overcome his trauma from being a victim of bullying: "Maybe kailangan ko maghanap ng kakampi. Maybe kulang ako sa pag-expose ko sa sarili ko sa tao. So, I looked for an alternative—sports." 


"Don't be afraid to speak up."

Ito ang paalala ni Xian Lim sa mga kabataang biktima ng bullying—mapa-eskuwelahan o saan mang lugar kung saan mayroong bullies.

Kamakailan ay inamin ni Xian na makailang-beses siyang naging biktima ng bullying noong siya ay nasa middle school sa U.S.

Base sa ipinakita niyang teenage photos niya, nasa hitsura ni Xian ang pagiging mahiyain at hindi lalaban kapag napaaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @xianlimm Instagram

Kaya madalas daw siyang pag-tripan ng mga kaeskuwela niyang bullies noon.

Lahad ni Xian, "Yung kasama ko pinapahalik sa akin yung sapatos niya. Ginawa ko. Takot kasi ako, e.

"Nakita niyo naman sa picture ko, mukha talaga akong ka-bully-bully na walang kaibigan.

"So, dumating yung point na palagi akong kumakain sa CR."

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na-enjoy ni Xian ang kanyang pag-aaral noon.

"Grabe yung trauma niya. I was a scared kid.

"Even nung nasa high school na ako, nananakawan pa rin ako ng pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @xianlimm Instagram

Hindi ba niya naisip magsumbong sa magulang niya?

Sagot ni Xian, "I kept it to myself. Sa nanay ko, nung sinasabi ko yun, 'Anak, nangyari pala sa 'yo yun?'

"Sabi ko, 'Yeah, I was really scared, Mom.'

"Kasi magwo-worry siya, e. She's a single parent na nagtatrabaho to keep the rentals of the apartment."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Xian pagkatapos ng mediacon para sa pelikulang Hanggang Kailan

Ginanap ito sa Le Reve events place noong January 17, Huwebes.

Ayon pa kay Xian, iba't ibang grupo ng bullies ang nakaengkuwentro niya.

Posible raw na ang kanyang pagiging Asian at hitsura niyang "madaling ma-bully" ang dahilan kung bakit siya madalas mapagdiskitahan sa kanilang lugar doon.

"Ngayon, napag-uusapan namin ng mga kaibigan ko na kasama namin nung nangyari yun, maybe we were just in the wrong place."

Nabalitaan pa raw ni Xian na dalawa sa mga nam-bully sa kanya ay nakakulong na. Ang isa naman ay pumanaw na matapos mabaril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVERCOMING HIS "TRAUMA"

Paano niya na-overcome ang pagiging biktima ng bullying?

Sagot ni Xian, "Through sports. That's the reason bakit ako nag-basketball. Very late na ako nag-basketball.

"Maybe kailangan ko maghanap ng kakampi. Maybe kulang ako sa pag-expose ko sa sarili ko sa tao.

"So, I looked for an alternative—sports." 

Si Xian ay ipinanganak sa San Francisco, California. Pero nanirahan siya sa Pilipinas noong kabataan niya.

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay 10 years old, isinama siya ng kanyang ina pabalik ng U.S. upang manirahan sa Daly City, California.

Taong 2008 nang bumalik si Xian sa Pilipinas. Siya ay 19 years old na noon.

SPEAK UP AND ASK FOR HELP

Ngayong 29 years old na siya, napagtanto raw ni Xian ang kanyang pagkakamali nang hayaan niyang maging biktima siya ng bullying.

"That's why I want to reach out din.

"I felt the need na mag-post [about my experience] kasi sa reach ng social media, maybe it can help. Marami ring nag-message sa akin [na may similar experience].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga nabu-bully, they really have to speak up."

Pagsusuri pa niya, "Siyempre, magkakaroon talaga ng point na parang, pag tinanggal mo ang isang band-aid, matatakot ka talaga.

"But you have to [face it and] not be scared."

Importante rin daw na ipagbigay-alam sa mga magulang o nakatatanda o awtoridad ang anumang insidente ng bullying upang maagapan ang sitwasyon.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN