Is Jameson Blake dating Elisse Joson?

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Jameson Blake on real score with Elisse Joson: "Wala, bago lang. Parang she has just entertained the show kasi, so we're just like getting to know each other or something."


Inamin ng Hashtags member na si Jameson Blake, 21, na ang huling babaeng nagparamdam sa kanya ng kilig ay si si Elisse Joson, 23. 

Ito ay matapos niyang makatanggap ng Christmas gift mula sa aktres. 

"May nagbigay kasi ng Christmas gift sa akin. As a friend, she gave me a gift," nakangiting bungad ni Jameson. 

Nakapanayam si Jameson ng TV host na si Boy Abunda sa January 23 episode ng late-night talk show ng ABS-CBN, ang Tonight With Boy Abunda.  

Simpleng notebook lang daw ang iniregalo ni Elisse, pero para kay Jameson ay "special" daw iyon. 

Komento ni Boy, mukhang may gusto si Jameson kay Elisse dahil hindi naman daw ito kikiligin kung kaibigan lang ang turing niya rito. 

Nangingiting paliwanag naman ni Jameson, "This Christmas season actually, no one really gave me a gift—like [from a] girl— other than my auntie, or my sister or si Mommy." 

Nagkaroon daw ng pagkakataong maging malapit sina Elisse at Jameson sa isa't isa mula nang magkatrabaho sila sa defunct ABS-CBN prime-time series na Ngayon at Kailanman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DATING STAGE? 

Lumalabas na ba sila ni Elisse? 

Sagot ni Jameson, "Wala, bago lang. Parang she has just entertained the show kasi, so we're just like getting to know each other or something." 

Kapansin-pansin namang ganado si Jameson nang hamunin siyang gumawa ng tula para kay Elisse. 

Ang sabi ni Jameson, haiku na lang ang gagawin niya para kay Elisse.

Ang haiku ay isang uri ng Japanese poem na may kabuuang 17 syllables o three lines na may 5-7-5 na bilang ng syllables. 

Ito ang nabuong tula ni Jameson para kay Elisse:

"The sweetest smile

"The gentle sparkle in your eye

"Sums up the sweetest scent." 

Natatawang komento ni Jameson, "Medyo fail!"

CONFLICT WITH MCCOY? 

Si Elisse ay ka-love team at dating girlfriend ng isa pang Hashtags member na si McCoy de Leon.

Totoo ba ang bali-balitang nagpaalam siya kay McCoy kung puwede niyang ligawan si Elisse? 

"Hindi, hindi ako nagpaalam," sagot ni Jameson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin daw ni Jameson ay wala ring "tensiyon" sa kanila ni McCoy, dahil maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa kapag nagkikita sila.

Pero hindi rin daw maituturing na malapit silang magkaibigan dahil pareho silang tahimik at matagal na mula nang magkaroon sila ng bonding kasama nina Joshua Garcia at Jerome Ponce.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN