Arjo Atayde prefers not to be paired with Maine Mendoza onscreen

IMAGE Gorgy Rula

Arjo Atayde wants his budding relationship with Maine Mendoza to remain on a personal level. "This is not a showbiz thing... Thank you Lord if ever we work together. But if we don't, it doesn't really matter. What matters to me is the personal side."


Agad na tinanggihan ni Arjo Atayde, 28, ang ideyang pagsamahin silang muli ni Maine Mendoza, 23, sa isang project.

Kaaamin lamang ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine, na nakilala at nakatrabaho niya sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Ayon kay Arjo, mas gusto niyang manatili sa personal level ang ugnayan nila ni Maine. 

"I'm on the personal side, never ko talagang naisip na trabaho agad, magiging leading lady," pahayag ni Arjo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang 'TOL noong January 22, Martes, sa Playhub, Quezon City.

Dugtong ng Kapamilya actor, "No, this is on a personal level, this is not a showbiz thing.

"This is totally on a personal level, we haven't talked anything like that.

"If ever we will do something, thank you Lord if ever we work together.

"But if we don't, it doesn't really matter. What matters to me is the personal side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, bukas naman daw si Arjo na makatrabaho si Alden Richards, ang one-half ng AlDub love team na siyang nag-launch sa career ni Maine. 

"I'm open to working to anyone, I already said this a lot of times. Wala akong pinipiling artista.

"And if the production team, the bosses think the actor fits the role, that's how I am.

"I've been working for seven years and I've been working with all these actors left and right, and I have no say.

"I'm just very thankful kasi yung mga ibinibigay sa akin na mga katrabaho ko, mahuhusay. I'm learning that way."

Lumabas kamakailan ang mga larawan nina Maine at Arjo na magkasama sa isang block screening ng Jack Em Popoy.

Tinanong ang aktor kung may plano bang magpa-blocking screening si Maine para sa 'TOL, o samahan siya nito sa premiere night para magbigay-suporta.

Ani Arjo, "We haven't talked about it, and Maine has nothing to do with my work at all. This is me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If she goes and supports me, thank you. But if she's busy, I'll understand.

"As far as I'm concerned, wala akong sagot diyan. We haven' talked about it."

"GUSTO KO LANG UMARTE."

Hindi naman napigilan ni Arjo magsalita ukol sa mga below-the-belt bashing na natatanggap niya at ng kanyang pamilya mula nang ma-link siya kay Maine.

Aminado ang aktor na nakita niyang naapektuhan ang kanyang pamilya dahil sa kabi-kabilang pamba-bash sa kanila.

"Naapektuhan sila somehow kasi we never get bashed before.

"Wala lang, they're kind of irritated, but what triggers me is the fact that people around me are kind of affected—my dad, my sister...

"These guys [bashers] don't know what they are talking about. It's not even factual."

Naging emosyunal ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde sa nakaraang guesting nito sa Tonight With Boy Abunda.

Ipinagtanggol ni Ria si Arjo sa paratang ng iba na kaya lang daw sumikat ang kapatid ay dahil na-link ito kay Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Arjo ukol dito, "I cried.

"Sabi ko, that's sweet, she's really protective. Teary eyed, I was really happy.

"Ria is my best-best friend out all the best friends. Siya is my pinaka-best friend [ko]."

Tungkol naman sa paratang na ginagamit lamang niya si Maine: "If they question whatever I have right now, then good for you.

"I will just keep working. Hindi ko naman pinangarap sumikat, maging bida. Gusto ko lang umarte.

"So whatever they say will not affect me at all.

"Hanggang bashing lang 'yan, hanggang social media lang 'yan.

"They can never come out, come out and talk to me to my face."


Stories We Are Tracking

Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"
Ria sees no problem with Maine becoming Arjo's girlfriend
Ria sees no problem with Maine becoming Arjo's girlfriend
Arjo asked: Are you in a relationship with Maine?
Arjo asked: Are you in a relationship with Maine?

PRAISE FROM MARIA

Tila nagbubunga naman ang patuloy na pagpapabuti ni Arjo sa kanyang pag-arte.

Sa nakaraang presscon proper ng bagong ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter ay binigyan ng score na "10" ni Maricel Soriano si Arjo nang tanungin kung paano niya ire-rate ang acting nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang na-touch daw ang puso ng aktor dahil dito.

Ani Arjo, "It's an honor coming from the Diamond Star.

"I'm very, very thankful. [Sa The] General's Daughter, first day itself, naiiyak na ako, I'm getting so emotional.

"I didn't know, I was having dinner, I wasn't using my phone. 

"When my friend gave me my phone, bigla ngang nag-trending, 'Maricel-Arjo, Darna,' all these stuff.

"Then, Nay Maricel complimented me and gave me a ten.

"Coming from a Diamond Star, coming from actually a legend, Maricel is a living legend alongside Tito Eddie Garcia.

"It's an honor, it's really such an honor.

"Imagine, they've been working more than forty years and she gave me a score of ten out of ten. Who am I?

"But instead of questioning, I'll just say thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN