Bulakeño Long Mejia explains why he's running for representative of CamSur

IMAGE Facebook photos

Comedian Long Mejia is again trying his luck in politics. This time he is running for House Representative of the First District of Camarines Sur. In 2016, he ran for board member in Bulacan, but lost.


Hindi na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano si Long Mejia dahil kakandidato siyang House Representative ng 1st District ng Camarines Sur.

Huling pelikula na rin ni Long ang Ang Sikreto ng Piso, na ipalalabas sa January 30, dahil naghahanda na siya sa kanyang pangangampanya na magsisimula sa March 29, 2019.

May sagot si Long sa mga nagtataka dahil residente siya ng Bulacan, pero kumakandidatong congressman ng Camarines Sur.

Tumakbo si Long na board member ng Unang Distrito ng Bulacan sa halalan ng 2016, ngunit hindi siya nanalo.

Paliwanag ng komedyante, “Taga-Camarines Sur ang misis ko, 'tapos meron akong lupa doon. Meron akong maliit na bukuhan.

"Hindi nga lang ako umuuwi roon at nagpapatayo ng bahay dahil malayo, may mga taping ako.

“Kakandidato ako sa ilalim ng partido ni Migz Villafuerte. Kaibigan ko si Migz,” sabi ni Long, na ang tinutukoy ay ang incumbent governor ng Camarines Sur.

Si Marissa Andaya, ang asawa ng incumbent CamSur District 1 House Representative Rolando Andaya, ang makakalaban ni Long.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado ang aktor na higante sa pulitika ang babanggain niya, pero susuportahan daw siya ng mga Villafuerte, na kilala ring may binatbat sa pulitika.

Sinabi ni Long na pinag-isipan nito nang matagal ang desisyong tumakbo bilang congressman ng Unang Distrito ng Camarines Sur.

“Nang malaman ni Migz na may lupa ako sa CamSur at Bicolana yung misis ko, si Beth, sabi niya, ‘Bakit hindi mo uli i-try?’ Kasi nga tumakbo na ako noon sa Bulacan, hindi ako pinalad.

“Sabi ni Migz, ‘Bakit hindi ka naman dito sa bayan ng misis mo?’” katuwiran ni Long, na naniniwalang maaaring manilbihan hindi lamang ang may utak kundi pati ang may puso para sa tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN