Polo Ravales, fiancée eye 2020 for their wedding

IMAGE Noel Orsal / Polo Ravales Instagram

Polo Ravales on wedding plans with fiancée Paulyn Quiza: "Maybe next year. Gusto namin garden [wedding]. Gusto namin sa Tagaytay. Gusto namin yung parang intimate wedding lang. Ayaw namin ng very big wedding."


Matapos mag-propose ng kasal si Polo Ravales, 36, sa kanyang girlfriend of one year na si Paulyn Quiza, 32, marami ang nagtatanong kung ano na ang update sa plano nilang pagpapakasal.

Naganap ang marriage proposal ni Polo sa non-showbiz girlfriend sa mismong araw ng Pasko, December 25, noong 2018.

View this post on Instagram

Just in time for Christmas.She said YES!!!???? akala ko forever akong binata.???????????? @pauquiza #pandp2018

A post shared by Polo Ravales (@poloravales) on

Nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na eksklusibong makapanayam ang aktor pagkatapos ng grand mediacon ng filmbio na Bato: The General Ronald dela Rosa Story, na ginanap sa 38 Valencia Events Place, sa Quezon City, kahapon, January 24, inalam namin sa aktor kung paano siya nagdesisyong yayain na ng kasal si Paulyn.

Pahayag ni Polo, “Well, mararamdaman mo rin pala yun.

"Mapi-feel mo kung siya na ang right person at yun ang right time.

“Yes, kasi bago ko siya makilala, I was single for a year.

“'Tapos, parang gusto ko na na-straight [life], tahimik. Gusto ko nang mag-start ng family.

“Bago pa kami magkakilala, nag-wish pa ako nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“December 25 [2017], nasa isang bar ako nun, ‘tapos parang nagsawa na ako sa parang lumalabas.

“Nag-pray ako sa loob ng bar, ha! Sabi ko, ‘Lord, ibigay Niyo na ang para sa akin.’

“December 26, nagkakilala kami.

“Meron kaming common friend na matagal ko nang hindi nakikita, nag-message bigla na meron daw siyang ipapakilala sa akin.

“So, ako, wala naman akong ginagawa, so nag-meet kami.

“Nung mag-meet kami [ni Paulyn], it’s different. So, ayun, naging maayos ang naging relasyon namin.”

Love at first sight ba ito?

Sagot ni Polo, “Actually, hindi ko alam, e.

“Siguro kapag in line ang stars niyo, magugulat ka na parang, ‘Wow, nagwu-work na pala na hindi mo pinipilit.’

“Nung [mag-propose] ako, napi-feel ko na tatanggapin niya.”

Ayon kay Polo, si Paulyn ang fitness trainer ng celebrities ding sina Jackie Lou Blanco, Iza Calzado, at Andrea Brillantes.

“So, meron akong for life. Parang ganun,” pakli pa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Thank you to all who congratulated us.Excited for my new chapter in Life???? #pandp2018 @pauquiza

A post shared by Polo Ravales (@poloravales) on

STILL PLANNING

Kailan na talaga ang wedding day? Sa taon bang ito?

Saad ni Piolo, “Planning pa lang kami, e. Ayaw naming madaliin.

“At least, secured siya at sinasabi ko sa kanya yung ano ko sa kanya, yung gusto kong mangyari.

“Maybe next year. Gusto namin garden [wedding]. Gusto namin sa Tagaytay.

“Gusto namin yung parang intimate wedding lang. Ayaw namin ng very big wedding.

“Gusto namin mga one hundred [guests] lang. Yung very close lang talaga.”

Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Paulyn?

Nakangiting sagot ni Polo, “Very ano siya, e. Very maalaga. Very caring.

“That’s why, iba talaga yung nararamdaman ko nung time na yun [past relationships], sa nararamdaman ko ngayon.

“Siguro naman, turning 37 this year, alam ko na.

“I’m excited. Excited na maging... excited!”

Saan nila balak mag-honeymoon?

Sabi ni Polo, “Wala pa namang plans. Napag-uusapan pa lang namin yung tungkol sa wedding.

“Siguro mga Europe, ganyan. Ayaw niya ng beach, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, gusto niya ng beach, ang ayaw niya yung araw.

“Like, nung mag-dive kami dati, grabeng mag-SPF [sun protection factor] yun, kasi ayaw niyang naaarawan siya.

“Kaya siguro Europe para cool lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN