ABS-CBN actor Kiko Estrada says girlfriend Devon Seron working in GMA-7 not a problem

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @jasondiazejercito on Instagram

Kiko Estrada on celebrating milestones in a relationship: "Anniversary, yes, monthsary's too short of a time to celebrate." Kiko's current girlfriend is Kapuso actress Devon Seron.


Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko Estrada kung saan sila magsi-celebrate ng girlfriend na si Devon Seron sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Pero ayon sa balik-Kapamilya actor, hindi siya naniniwala sa Valentine’s Day.

Saad niya, “I don’t believe in Valentine’s. Every day should be a Valentine.

"Every day is a date day, every day if libre naman ako. Pero right now, ang daming trabaho na pelikula..."

Hindi rin daw sila nagsi-celebrate ng monthsary.

“Anniversary yes, monthsary's too short of a time to celebrate," rason niya.

Hindi naman daw selosa si Devon, pero si Kiko, “Seloso? Sobra!

“Pero sinasabi ko naman sa kanya pag trabaho, trabaho. Out ako diyan, yun lang naman.”

Paano ngayong umalis na si Kiko ng GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN, samantalang si Devon ay umalis ng ABS-CBN at lumipat sa GMA-7?

“Yeah, but you know, hindi naman 'yan yung measurement ng relasyon namin," sabi ni Kiko, na ang ibig sabihiin ay ang pagtatrabaho nila sa magkaibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa grand presscon ng Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story kahapon, January 24.

Mula sa ALV Films at BenChingko Films at distributed naman ng Regal Entertainment, ipalalabas ang pelikulang pinagbibidahan ni Robin Padilla sa January 30.

“LAMBINGAN”

Limang buwan na ang relasyon nina Kiko at Devon, na naging opisyal noong August 8, 2018.

Sa kanilang Instagram, makikita na sobra silang sweet sa isa’t isa.

View this post on Instagram

Mi amor ????

A post shared by Devon Seron???? (@devonseron) on

View this post on Instagram

aking sinta

A post shared by kiko estrada (@jasondiazejercito) on

Paano ba siya maglambing sa nobya?

Sagot ni Kiko, “Kung paano dapat. Kung paano siya mapapasaya, I guess.

“Kasi ang feeling ko, andito naman yung mga lalaki para pasayahin yung mga babae, and vice versa.

“Pero pag pagod naman, siyempre nagpapahinga.

"Pero pag wala namang ginagawa o kailangan mong bumawi, o gusto mong ipaaalam sa kanya na espesyal siya, so gagawin mo talaga yun.”


Stories We Are Tracking

Kiko Estrada finally admits relationship with Devon Seron
Kiko Estrada finally admits relationship with Devon Seron


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN