EXO's Kai and BlackPink's Jennie break up after four months of dating

IMAGE SM Entertainment / YG Entertainment

Barely one month after their dating news made the headlines, K-Pop superstars Kai of EXO and Jennie of BlackPink have broken up.


Break na ang K-Pop superstars na sina Kai ng EXO at Jennie ng BlackPink.

Kinumpirma ito ng SM Entertainment, ang management company ng EXO, pagkatapos lumabas sa SBS funE ang balitang break na sina Kai at Jennie, ngayong Biyernes, January 25.

Pahayag ng SM: “It is true that Kai and Jennie have recently parted ways.”

Hindi isiniwalat ng SM ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawang K-Pop stars.

Ngunit ayon sa mga lumabas na reports, nagdesisyon sina Kai at Jennie na mag-focus sa kanilang trabaho para na rin sa kani-kanilang grupo at sa kanilang fans.

Tumagal ng halos apat na buwan ang kanilang relasyon.

Pagpasok na pagpasok ng 2019, noong January 1, pinaputok ng Dispatch ang balitang nagdi-date sina Kai (Kim Jong In), 25, at Jennie Kim, 23.

Parehong kinumpirma ng SM Entertainment at YG Entertainment, management company ng BlackPink, ang balita.

Ang SM at YG ang dalawa sa pinakamalaki at pinaka-powerful na entertainment companies sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN