Ai-Ai delas Alas defends husband Gerald Sibayan's first landing as student pilot

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Ai-Ai delas Alas on critics of husband Gerald Sibayan, an aspiring pilot: "hayaan na naten sila basta ang mahalaga may pilot ako asawa at libre ako sa plane hehehe yahoooo."


Ipinagtanggol ni Ai-Ai delas Alas, 54, ang asawang si Gerald Sibayan, 25, matapos punahin ng isang netizen ang pagmamaneho ng eroplano nito.

Nitong January 24, Huwebes, ipinost ni Ai-Ai ang video kung saan mapapanood si Gerald na nagma-maneuver ng pagla-landing ng minamanehong eroplano.

Ito ang unang pagkakataong nagsagawa ng airplane landing si Gerald.

Nag-aaral ng pagpipiloto si Gerald sa Asian Institute of Aviation.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing kinabahan siya sa pagmamaneho ni Gerald dahil masyado raw mauga ang ginawa nitong pag-landing.

Komento ng netizen: “napa OMG ako. Hindi sya smooth as it shows. Wiggling sya. Haha. More practice @gerald_sibayan Nice try though!!!”

Sumagot naman si Gerald at humingi ng paumanhin.

“Ay sorry po hindi po perfect kasi po first landing ko palang po sa buhay ko yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan naman ni Ai-Ai ang asawa at idinahilang malakas ang hangin kaya hindi ganoon ka-smooth ang landing ni Gerald.

Komento niya, "first landing palang nya."

Dagdag ni Ai-Ai, “atsaka malakas ang hangin piloto ka ba kuya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling sumagot ang netizen. Nauunawaan daw niya kung hindi naging perpekto ang pagla-anding ni Gerald.

Samantala, may isang netizen naman ang nagpahayag ng kasiyahan para kay Ai-Ai dahil sa achievement ng asawa.

Sabi ng netizen, pinatunayan lang ni Gerald sa mga humuhusga ritong hindi lang siya “palamunin.”

Komento naman ni Ai-Ai dito, "hahahahhahaa hayaan na naten sila basta ang mahalaga may pilot ako asawa at libre ako sa plane hehehe yahoooo."

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN