Ex-BIR Commissioner Kim Henares says Gretchen Barretto allegations "straight out of a comedy script"

IMAGE Courtesy: Kim Henares on Facebook / @juansarte on Instagram

Former BIR Commissioner Kim Henares (left) strongly denies allegation of Gretchen Barretto (right) that she fixed the tax problems of businesswoman Alice Eduardo, Kris Aquino's close friend. 


Dinismiss ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang akusasyon ni Gretchen Barretto na may inayos siyang tax problem ng kaibigang negosyante ni Kris Aquino.

Ang negosyanteng ito raw ay si Alice Eduardo, na kilala ring malapit sa maraming showbiz at broadcast personalities.

Sa kanyang Instagram Live noong nakaraang January 18, sinabi ni Gretchen na noong nasa katungkulan pa ang kapatid ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino—na nagtalaga kay Henares bilang BIR head—namagitan diumano si Kris upang mapababa ang babayarang buwis ni Eduardo. 


Stories We Are Tracking

Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time

HENARES: ALLEGATION A COMEDY

Sa pahayag ni Henares sa Facebook ngayong araw, January 25, sinabi niyang isang malaking komedya ang rebelasyon ni Gretchen.

Ayon pa sa dating BIR commissioner, dapat mag-ingat si Gretchen sa pagpapalabas ng anumang pahayag tungkol sa ibang tao.

Sa kasalukuyan, si Henares ay nagtatrabaho bilang personal accountant ni Kris.

Narito ang statement ni Henares (published as is):

"The allegations of Ms. Baretto [sic] that people can come to me and fix their tax problem without paying the right amount is straight out of a comedy script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is a well-known fact that not even my own family enjoyed any preferential service or treatment, much to their disappointment.

"I strongly suggest that Ms. Baretto [sic] apply more restraint and thoughtfulness in her statements."

 IMAGE Courtesy: Kim Henares on Facebook

Kinumpirma ni Henares sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang text message, na lehitimo ang pahayag niyang umiikot na ngayon sa Facebook. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN