Award-winning director and scriptwriter say Robin Padilla appearing as Bato is a "political act"

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Award-winning director Carlitos Siguion-Reyna (center) and scriptwriter Jerry Gracio (right) say that Robin Padilla (left) appearing as former PNP Chief Bato dela Rosa in the latter's biopic is a political act. Bato is running for senator in the 2019 mid-term elections.


Sa lumabas na palitan ng mga salita nina Robin Padilla at Direk Lore Reyes, may mga taga-industriya ng pelikula na naglabas ng saloobin ukol sa pelikulang BATO: The Gen. Ronald dela Rosa Story.

Kabilang na rito ang award-winning director na si Carlos Siguion-Reyna at ang award-winning screenwriter na si Jerry Gracio.

Kinontra ni Direk Carlitos ang pahayag ni Robin na "trabaho lang" ang pagpayag nitong gumanap bilang General Bato dela Rosa sa pelikula.

Iginiit ni Robin na isa siyang aktor at hindi dapat salingin ang kanyang propesyon.

Tinawag pa niyang ang "kikitid ng utak" ang mga nagpapa-boycott ng pelikulang BATO, dahil lahat na lang daw ay ginagawang pulitika, pati na ang "pelikula lang."

Sagot naman dito ng premyadong direktor, ang pagpapalabas ng isang pelikula tungkol sa buhay ng isang kandidato ilang buwan bago ng halalan ay malinaw na pasok sa "political acts" at "hindi pelikula lang."

Buong pahayag ni Direk Carlitos: “If one makes a biopic about a candidate running in the upcoming midterm senatorial election, and promotes it for release five months before said election, a release which may or may not boost that candidate’s ranking to the top twelve in political surveys, do you call that ‘pelikula lang ito, walang politika’?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is evident that ALL of the above are political acts. Hindi ‘pelikula lang.’

“So its makers and promoters shouldn’t wonder how and why it is getting political reactions, including the audience’s decision to see it or skip it.

“Let the audience decide.”

Si Carlitos ay anak ng actress/singer/producer na si Armida Siguion-Reyna at asawa ng scriptwriter/actress na si Bibeth Orteza.

Ilan sa mga kinilalang pelikukula ni Direk Carlitos ay ang Hihintayin Kita sa Langit (1992).

Ang Lalaki sa Buhay ni Selya, na nanalo ng Special Jury Prize sa Teddy Awards ng Berlin International Film Festival (1998).

At ang Azucena, na nanalo ng Grand Jury Award sa 2001 San Diego Asian Film Festival (2001).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi naman ni Jerry Gracio ang minsa'y offer sa kanyang gumawa ng script para sa isang pelikula tungkol sa dating First Lady at Ilocos Norte Governor Imelda Marcos.

Tinanggihan daw niya ito dahil may mga bagay siyang "hindi isusuko kapalit ng pera."

Buong pahayag ni Jerry sa kanyang Facebook: “Dati, may negotiations na gumawa ng pelikula tungkol kay Imelda. Tinatanong ako kung magkano ang TF ko.

“Sasabihin ko sana, 1 milyon, pero naisip ko: paano kung bayaran nga ako ng 1 milyon, isusulat ko ba ang pelikula?

“Na-realize ko, kahit magdildil ako ng asin, may mga bagay na hindi ko isusuko kapalit ng pera, o kapangyarihan, o kahit na eternal beauty.

“Iniisip ko na lang, ano ang sasabihin sa akin ni Mong, malamang batukan niya ako, at pagsasabihan: Kung kaya mong ipagpalit ang mga prinsipyo mo sa buhay kapalit ng pera, kaya mo rin akong ipagpalit sa iba.

“May mga core values talaga na hindi dapat matinag, hindi lang bilang manunulat o artist, kundi bilang tao.”

Si Imelda ay asawa ng dating Presidente Ferdinand Marcos, na napatalsik sa 1986 Edsa Revolution.

"Conjugal dictatorship" ang ibinansag sa dalawampu't apat na taong pamumuno ni Ferdinand at Imelda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa critically acclaimed scripts na isinulat ni Jerry ay ang Balangiga: Howling Wilderness, na nanalong Best Original Screenplay sa FAMAS at nominado rin sa Gawad Urian (2018)...

Mater Dolorosa, na nominado sa Gawad Urian, Golden Screen Awards, at Star Awards for Movies (2013).

At Emir, na nanalong Best Screenplay sa Film Academy of the Philippines, Golden Screen Awards, at Star Awards for Movies (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kapamilya ng National Artist na si Ishmael Bernal, na si Katrina Stuart Santiago, ay nag-comment naman sa post ni Direk Adolf Alix Jr., direktor ng Bato movie.

Tuwirang kinuwestiyon ni Katrina ang pagdi-direk ni Adolf sa isang pelikula para sa taong hindi raw karapat-dapat iluklok sa Senado.

Mensahe ni Katrina: “Sa panahon ng digma, malinaw kung saan dapat nakatindig ang manggagawang kultural.

“HINDI sa may hawak ng armas, at hindi sa pumapatay ng mamamayan. Gagamitin mo na rin lang ang galing mo, bakit para sa isang taong walang alam sa paggawa ng batas, walang alam kundi ang humawak ng baril, at walang hawak kundi ang suporta ng abusadong Presidente sa kanyang pagtakbo.

“Gagamitin mo na rin lang ang galing mo, para magluklok pa ng maling tao sa Senado.

“Hindi ito ang panahon ng ‘trying something new’ kung ang sinasakripisyo mo naman ay paninindigan.”

Para sa kaalaman ng marami, si Adolf din ang nagdirek ng pelikulang Madilim Ang Gabi, na tumalakay sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Robin Padilla reacts to calls to boycott his Bato film
Robin Padilla reacts to calls to boycott his Bato film


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN