Sylvia Sanchez slams bashers accusing son Arjo Atayde, family of using Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal (Sylvia, Arjo) / @mainedcm on Instagram

Sylvia Sanchez (left) "invites" netizens who are accusing son Arjo Atayde (center) of using Maine Mendoza (right) for a coffee.


Hindi nakapagpigil si Sylvia Sanchez na sagutin ang ilang netizens na inaakusahang ginagamit lang ng anak niyang si Arjo Atayde si Maine Mendoza.

Ito ay kaugnay ng ginawang pag-amin ni Arjo noong January 22, 2019, na "exclusively dating" na sila ni Maine.

Ilang fans ng love team nina Maine at Alden Richards—o mas kilala bilang AlDub—ang nagpahayag na hindi sila pabor sa namumuong real-life romance sa pagitan nina Maine at Arjo.

Sa Twitter kahapon, January 25, isa-isang sinagot ni Sylvia ang mga diumano'y fans ng AlDub na nagpahayag ng pambabatikos kay Arjo, at maging sa kanyang buong pamilya.

Kabilang dito ang isang fan na inakusahang sinungaling daw si Arjo.

Sabi ng netizen na si @MengSinag kay Sylvia: "Maine got her Fame in a very humble and simple beginnings which makes her phenomenal today. Kahit sino masasaktan sa ginawa ni Arjo na kasinungalingan.

"Kung ako ang nanay po ni Maine, il never let Maine on your lane esp. To your son Arjo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sylvia dito: "Anong kasinungalingan ang ginawa at sinabi ni arjo? Alam mo ba ang buong pangyayari?

"Kung may mga tanong ka at gusto mong marinig lhat ng sagot sa mga tanong mo, tara! Makipagkita ka bukas, usap tayo!

"Ako msmo ang sasagot sa lahat ng mga gusto mong malaman."

Hindi direktang sinabi ng netizen kung ano ang diumano'y kasinungaling sinabi ni Arjo.

Subalit matatandaang sa January 20 episode ng Gandang Gabi Vice ay sumailalim si Arjo sa lie-detector test.

Tinanong ng host na si Vice Ganda si Arjo kung "magdyowa" na ba sila ni Maine.

Sagot ni Arjo: "No."

Nakuryente ang kamay ng Kapamilya actor na nakapatong sa lie-detector gadget, na nangangahulugang hindi siya nagsasabi ng totoo.

Subalit hindi rin naman malinaw kung gaano ka-accurate ang gadget na ginamit dahil sa tatlong tanong ni Vice kay Arjo ay tatlong beses ding nakuryente ang huli.

Nagyaya rin si Sylvia sa ibang bashers na makipag-kape sa kanya upang mapag-usapan ang kanilang mga hinaing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba sa kanyang mga sinagot ay nag-delete na ng Twitter account.

Muli namang nag-reply si @MengSinag sa imbitasyon ni Sylvia.

Sabi niya, "Im not from Manila maam. No need for personal meet ups. I believe that if you are a good person u dont have to prove to anyone who you are. ACTION speaks louder than words."

Tugon ni Sylvia dito: "Yes, Action speaks louder thn words kaya nga gusto ktng makausap para direkta mong masabi sa akin lht ng hinaing at galit mo, Kaya nga niyayaya kita bukas mgkta kasi ayaw ko dito makipag usap, gusto ko personal.

"Matitino tayong tao, kaya usap usap tayo ng matino, personal!"

SYLVIA ANSWERS "MAG-INANG MAPAGBANTA" ACCUSATION

Isang netizen naman ang nag-akusang ginagamit ng pamilya ni Arjo si Maine para sumikat.

Sabi ni @cutegirlo2, "WALANG BASTOS KUNG WALANG GINAGAWA NA IKAKABASTOS SA KANILA..KUNG D NILA GINAGAMIT C @mainedcm..HAYAAN NA LANG..KUDA NGA NG KUDA"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin ito pinalampas ni Sylvia.

Sagot ng Project Kapalaran actress: "Isa k sa hihintayin ko bukas ha! IIabas mo ang tapang mo bukas, 7pm resorts wrld coffeeshop maxim. At pakilabas mo mukha mo dito sa acnt mo, wag magtago!! Para makilala din kita!!!"

Hindi natigil dito ang netizen at sinabi pang "MAG INANG MAPAG BANTA" sina Arjo at Sylvia.

Kinwestiyon ito ni Sylvia at sinabing ang pamilya niya ang minsang napagbantaang "papatayin."

"Mag inang mapagbanta? Kami nga binabantaan nyo eh!! Patayin ako, arjo n ria?

"Kami pa ang mapagbanta? Isip isip ka hah!!!

"Magpakita ka bukas, usap tayo!! Wag kng magtago sa acnt na to ng walang mukha!

"Kung matapang ka labas mo mukha mo dito!!!"

Kahapon din ay pinagsabihan ni Arjo ang ilang netizens na tigilan na ang pambabatikos kay Alden at huwag na siyang idamay.


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde tells netizens to stop bashing Alden Richards
Arjo Atayde tells netizens to stop bashing Alden Richards
Did Maine Mendoza gush about Arjo Atayde on Twitter in 2013?
Did Maine Mendoza gush about Arjo Atayde on Twitter in 2013?
Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN