Gabbi Garcia laughs off netizens fabricating stories about her and Ruru Madrid

IMAGE @_gabbigarcia on Instagram

Gabbi Garcia takes a swipe at two netizens who were fabricating stories about her and Ruru Madrid. Gabbi tells them via Twitter, "Hahaha kayo ang nakakalungkot kasi gumagawa kayo ng sarili niyong istorya."


Tinawanan lang ni Gabbi Garcia ang mga diumano'y imbentong kuwento ng dalawang netizen tungkol sa kanya.

Sa Twitter noong January 24, pinag-uusapan ng dalawang netizens na may handle na @gagapayatot at @itsmehezekiahn ang diumano'y namamagitan sa pagitan ng GMA Artists na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Si Ruru ay dating ka-love team ni Gabbi, habang si Bianca naman ay ka-love team ni Miguel Tanfelix.

Taong 2018 nang mabuwag ang tambalan nina Gabbi at Ruru (GabRu), at kapareha na ngayon ni Ruru si Kylie Padilla.

Sinasabi ring nauwi sa totohanan ang relasyon nina Gabbi at Ruru, subalit lagi nilang iginigiit sa mga interbyu na magkaibigan lang silang dalawa.

Ang pinagmulan ng kanilang usapan ay ang interview ni Ruru sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 22, kung saan sinabi niyang hindi pa sila magkarelasyon ni Bianca.

Dito na nabanggit ng isang netizen si Gabbi, na tinawag lang niyang Gab.

Sabi ni @itsmehezekiahn, "I guess nagsisinungaling si ruru for the sake of their careers kasi alam naman natin may movie at project na darating ang biguel at may ginagawang proj nmn ang kyru. i hope maging malaya na rin si ruru like gab."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ng netizen na pagiging "malaya" ni Gabbi ay ang relasyon niya sa ABS-CBN actor na si Khalil Ramos.

Sa panayam ng PEP.ph kay Khalil noong January 21, sinabi niyang "approaching two years na yata" ang relasyon ni Gabbi at Khalil, na siyang binanggit ni @gagapayatot sa kanilang usapan.

Sagot ni @itsmehezekiahn dito, "Haha grabe parang niloko si ruru."

Sabi pa ni @gagapayatot, baka raw pagkatapos ng debut ni Gabbi noong December 2016, kung saan si Ruru ang escort niya, ay naging magkarelasyon na agad sina Khalil at Gabbi.

Tugon naman ni @itsmehezekiahn dito, "Haha nakalungkot grabe ang sakit as a ganru fan buti nlng nakamove on na ako.... ruru dont deserve a girl like gab... i guess sana ipish ang ruca tlaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat nabanggit ang GMA artists sa usapan ng dalawang netizen, wala silang tinag na Twitter handle ng kahit na sinong artista habang nag-uusap.

Subalit nabasa ito ni Gabbi at hindi niya napigilang sumagot.

Ang sabi lang ng Kapuso actress, "Hahaha kayo ang nakakalungkot kasi gumagawa kayo ng sarili niyong istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot din sa dalawang netizen ang mga fans ni Gabbi para ipagtanggol ang Kapuso actress.

Dinepensahan din ni @itsmehezekiahn ang sarili at sumagot muli kay Gabbi.

Sabi niya, "Why bothered to answer? Lol. We’re just having a convo & u butt in? We didnt tag u im not ur hater dont get me wrong & not even a fan. Why defensive? u said that u dont address issues or rumors coz ur not guilty but interfering in our convo makes me wonder u might be guilty"

Hindi na sumagot pa si Gabbi sa dalawang netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang oras pagkatapos ng pagsagot niya sa dalawang netizen, muling nagtweet sinabi at sinabing "so happy to have mute buttons on ig and twitter."


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN