The winning answer of Karen Gallman at Miss Intercontinental 2018

IMAGE @bbpilipinasofficial on Instagram

Filipino-Australian beauty queen Karen Gallman was hailed Miss Intercontinental 2018, Saturday night, January 26, at the pageant's grand coronation night held at SM Mall of Asia Arena in Pasay City.


Itinanghal na Miss Intercontinental 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Karen Gallman.

Sabado ng gabi, January 26, ipinasa ni Veronica Salas mula sa Mexico ang titulo kay Karen sa grand coronation night ng nasabing pageant sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Tinalo ni Karen ang 84 pang kandidata mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa 47th edition ng Miss Intercontinental.

Napabilib ni Karen ang judges sa naging sagot nito sa question-and-answer round ng pageant.

Ang final question para sa kanya: "How do you define success?"

Ang buong sagot ni Karen: "Good evening, Philippines. For me, success is not just about winning in life but setting goals, smaller goals, and achieving your dreams and working hard for everything you want, and always looking up to God and being thankful for everything. For me, that is success."

Ito ang kauna-unahang beses na napanalunan ng Pilipinas ang Miss Intercontinental mula nang itatag ito noong 1971.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pinay beauty queens na nakapasok sa Top 6 sa mga nakaraang edition ng pageant ay sina Katarina Rodriguez noong 2017, Christi Lynn McGarry noong 2015, Kris Tiffany Janson noong 2014, at Andrea Koreen Medina noong 2013.

Si Miss Costa Rica Adriana Moya ang itinanghal na 1st runner-up; si Miss Slovakia Laura Longauerová ang 2nd runner-up; si Miss Colombia Hillary Hollmann Del Prado ang 3rd runner-up; si Miss Vietnam Ngân Anh Lê Âu ang 4th runner-up; at si Miss Ethiopia Bella Lire Lapso ang 5th runner-up.

Mula rin sa Top 6 ang mga itinanghal na continental queens: Si Miss Ethiopia para sa Africa, Miss Costa Rica para sa North America, Miss Colombia para sa South America, Miss Slovakia para sa Europe, at si Karen para sa Asia at Oceania.

Dalawang special awards din ang naiuwi ni Karen mula sa pageant: Best Body Beautiful at Media Favorite.

Kabilang sa judges ng Miss Intercontinental 2018 sina American actor Lorenzo Lamas; two-time Emmy winner Vincent de Paul; Vice President of Korea's Stem Cell Treatment Association and CEO of Dermaster Clinic Worldwide Network Dr. Han Jin Kwon; Miss Intercontinental 2010 from Mexico Maydelise Columna; entrepreneur Marilyn de Mesa; businessman Wilbert Tolentino; former PNP chief and retired Gen. Ronald 'Bato' dela Rosa; Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas; at Miss Intercontinental Japan Organization CEO Joanna Leonisa Gimena Miyamae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nag-host naman ng pageant ay sina Miss Intercontinental Japan 2017 Kumi Miyamae, Kenyan TV host Serah Ndanu, at ABS-CBN singer-host Billy Crawford.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN