Manolo Pedrosa talks about possibility of falling for on-screen partner Kyline Alcantara

IMAGE Glenn Regondola

Manolo Pedrosa on Inagaw Na Bituin leading lady Kyline Alcantara: "I see that she's very much mature, she's very professional for her age, and a hard worker."


Aminado si Manolo Pedrosa na hindi imposibleng mahulog ang loob niya kay Kyline Alcantara, katambal niya sa upcoming drama series ng Kapuso network na Inagaw Na Bituin.

Ito ay binase ni Manolo sa pagkakakilala niya sa teen actress mula pa nang magkasama sila sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Pahayag ng 21-year-old actor, “Yeah, I would say yes.

"Kasi ako, it’s not only about the beauty, but the character.

"And I see that she’s very much mature, she’s very professional for her age, and a hard worker.

“I heard na nagkasakit siya, pero tuluy-tuloy pa rin ang trabaho, it’s... at nagagalingan ako sa kanya.”

Hindi naman daw hadlang ang age difference ng dalawa, kahit 16 years old pa lamang si Kyline. 

Saad ni Manolo habang binibilang sa kamay niya ang age difference nilang dalawa, “Age doesn’t matter. I thought, she’s seventeen. Age is just a number.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May chance kayang ma-in love siya sa kanyang leading lady?

Nakangiting sagot niya, “Ah, let’s see. Ako kasi, personally, don’t have a habit of falling agad. I want to know the person first.

“Kasi siyempre, for me, kapag nagka-girlfriend ka, dapat you wish na parang pang-marriage na.

“It’s a long term [commitment], long term. So I wanna know the person first, before commitment.”

Pero nilinaw ni Manolo na trabaho lang muna ang parehong nasa isip nilang dalawa ni Kyline at manatiling magkaibigan habang ginagawa nila ang proyektong ito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manolo sa taping ng Inagaw na Bituin sa UP Bliss, Quezon City, noong January 25.

Natanong din ng PEP.ph kay Manolo kung ano ang hinahanap niya sa isang babae.

Aniya, “Siyempre, bonus yung maganda, maganda ang katawan. Pero more on character, easy to connect with.

“Hard work is also... kasi in a relationship, it’s not just ‘date-date,’ it’s more of supporting each other in their goals in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang yung, 'O, date-date tayo,' and have fun. Kain-kain lang ‘yan.’”

As of now, single si Manolo, at wala pa siyang planong magkaroon ng love life.

Sabi niya, “Wala akong girlfriend. Hindi kasi about sa physical yun, e. It’s about what’s your priority.

“Kasi ako, ang priority ko talaga is to work, and mahirap nga kasi na...

"Ako, I have to balance my family, work and gym.

"Pag sa taping, grabe ang oras, so in my head wala na akong oras mag-girlfriend.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN